Lumingon ako sa stage. Nakita ko si Cryd na inaalalayan si Alyana pababa ng stage, dala-dala nito ang mga gamit ni Alyana habang kausap si kuya Mike.

"Wow. Everyone's here! I think we should take a photo, don't you think, tita El?" Baling ni Cryd sa mama ko nang makababa sila.

"That's a great idea!" Pagsang-ayon nito.

Nagtabi-tabi kami para sa litrato, my family, Xy's parents, Xy and Alyana and me. Rover and Zach stood beside Cryd while he took a picture of us.

"Nice. Family picture with ex in-laws." Pang-aasar ni Zach. Tinignan ko nga nang masama.

Nagpaalaman na sila sa isa't-isa bago dumiretso sa sasakyan. Nagpaiwan ako dahil kinausap ako ng parents ni Xy. Inaaya nila kami na pumunta sa bahay nila dahil magkakaroon daw ng munting salo-salo pero tumanggi ako kasi may nakahanda na sa bahay.

"Sayang naman. But you should drop by your girlfriend's house next time, okay? Hindi natin nasulit 'yong dinner last time." ani Mr. Banez sabay tapik sa balikat ko. Agad na napatingin si Zach at Rover sa'kin na hinihintay pala ako sa isang gilid.

"Thanks for the bouquet." she mouthed. Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Xy sa pisngi bago umalis kasama ng pamilya niya.

"Kayo na ulit?" usisa ni Rover.

"Hindi." Pinunasan ko ang pisngi saka kami nag-umpisang maglakad palabas ng audi.

"Girlfriend daw, eh. Tapos may bouquet? May kiss pa? Rupok ba tayo ulit diy'an, pards?" Inakbayan ako ni Zach.

"Hindi, bobo. Mamaya na." Makahulugan akong tinignan ni Rover pero hindi ko na ito pinansin.

Pagkarating namin doon, kami na lang pala ang hinihintay para umandar ang sasakyan. Bale si mama at papa sa harap. Ako, si KL at si Rover. tapos si Alyana, Cryd at Zach naman sa pinaka-likod. Nauna na si kuya Mike dahil may raket pa raw ito. Nanghinayang tuloy si mama dahil hindi siya makakadalo sa salo-salo kasama namin.

Umandar ang sasakyan at pasimple akong sumulyap kina Cryd at Alyana na akala mo may sariling mga mundo. Nagce-cellphone lang si Zach sa tabi nila.

I wonder if Cryd already asked if he could court her? Kung hindi pa, ano kayang magiging sagot ni Alyana? Magiging sila na ba pagkatapos?

Ayoko na, nakamamatay ang mag-isip nang sobra.

Humilig si KL sa balikat ko dahil inaantok raw ito. Kaya naman binaling ko na lang ang atensyon dito at hinaplos ang buhok niya. I saw Rover glance at me one time, para bang may gustong sabihin. But he kept quiet until we reached home. Nagulat pa si Alyana sa banner na bumungad at hindi niya inexpect na maghahanda pala kami.

"Hindi naman ako nanalo, tita, eh." Nahihiyang tugon ni Alyana.

"Manalo o matalo, ikaw pa rin ang reyna namin! Tara na, baka lumamig na ang pagkain." bulalas ni mama sabay yakap dito.

Buhat-buhat ko si KL pababa ng sasakyan. Natutulog pa rin ito sa balikat ko. Sumunod naman si Zach na tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit ni Alyana. Inasikaso naman ni papa ang sasakyan kaya nauna na kami sa loob.

"Bakit mukha kang Biyernes Santo ngayon?" bulong ni Rover.

"Ikaw, bakit mukha kang tae araw-araw?" Tinawanan niya lang ako kaya naman tinignan ko siya nang masama. He's unusually chatty today.

Umakyat ako para ihiga si KL sa kwarto niya. Tinanggal ko ang sandals niya tsaka nilagyan ng towel ang likod dahil basa ito. Nang matapos ito ay sinarado ko ang pinto ng kwarto nito. Kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Alyana. Nakapagpalit na siya ng shorts at tshirt at may bakas pa ng konting make-up sa mata niya.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now