CHAPTER XXVI

161 4 0
                                    

GUYS ETO NA UNG CHAPTER XXVI HAHAHAHAHAHA SINISIPAG TLGA MAG UD UNG PINSAN KO HAHAHAHA SULITIN NTIN HABANG MAY SAPI PA SYA DHL PAG NWALA SAPI NYA HAHAHA 10 YRS BGO ULIT MAG UD XD

Ngayon alam ko na kung bakit ipinagbabawal ng principal ang pagdaan dito. Dahil sa mga talahib na matangkad pa sa akin, kung hindi naman talahib ang problema, nariyan ang mga damong makati pa sa lahat na malalanding babae sa city combined. Pero wala ng atrasan to. Katipunera tayo e.

Narating ko rin sa wakas ang tulay, at sa buong dismaya ko, gawa pala ito sa kawayan. Nasaan na si congressman at ang pork barrel? Bakit hindi ito concrete bridge!

Marupok ito at tila ba kahit palaka lang ang tumawid ay bibigay ang tulay. Pero there’s no turning back na talaga. Seriously what else could go wrong.

Dahan-dahan akong humakbang sa tulay.

“Light as a feather…” nanginginig kong bulong.

Dumating na rin ako sa wakas sa gitna. Lumingon-lingon ako sa paligid. Grabe parang nasa ibang dekada ako. Kahit na delikado, masukal at mahirap ang daan ay payapa naman ang paligid. Tahimik at walang ni isang bakas modernesasyon. May ilog, mga puno at walang hanggang nakalatag ang mga palayan. Palubong na ang araw at napakaganda ng tanawin. Sulit din lahat ng pinagdaanan ko. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang makasaysayang puno ng mangga. Kung saan ilang dekada na nitong pinapanood ang takbo ng buhay sa parteng ito ng mundo. Napangiti ako sa magagandang tanawin. Patuloy akong nglakad ng walang kung anu-ano’y nakarinig ako ng mga boses. Napaharurot ako ng takbo sabay dive sa matataas na damo. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at maingat na bahagyang hinawi ang mga damo, sabay silip.

Napansin kong may tao sa gilid ng puno ng mangga na ilang dipa lang ang layo sa pinagtataguan ko. Hindi ko mawari kung sino ang taong itong dahil anino lang ang nakikita ko. Pero parang may hinihintay siya.

Holy crap! Paano kung hindi tao to?! What if its the ghost of Rodora Y waiting for Isidro?! Hindi ako mapaniwalain sa mga multo pero…pero…

Tinakpan ko ang bibig para mapigil ang sigaw. Ibinaba ko ulit ang ulo at buong ingat na nagtago sa mga damuhan.

“Sino yan?” isang boses ng lalaki ang nagsabi.

Holy shit! Holy shit! Si Isidro?!

Mayamaya pa, narinig kong may tumatawid sa tulay. Holy Church! Ayan na si Rodora Y!

Siniksik ko sa damuhan ang saril upang hindi ako makita ninoman.

“Ako lang to!” sagot ng tao sa tulay na boses lalaki din.

Dumaan ang lalaki sa gilid ng tinataguan ko at laking gulat ko ng makita si Lance. Dumiretso siya sa may puno ng mangga.

Oh my gawd. Dont tell me multo si Lance? Multo si Lance?! Incarnation sya ni Isidro?! Oh. My. Gawd.

Iningat ko ulit ang aking ulo at sumilip sa pagitan ng mg adamo. Sa wakas ay lumabas na rin ang taong nakakubli sa anino, and guess what, its Vince.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon