CHAPTER XXIV

68 3 0
                                    

Hindi naman ako stranger. Hindi naman ako island, may mga kaibigan din ako na pwedeng pagsabihan ng mga confidential information about my evenful life. Pero may pagka-anti social kasi ako, tsaka i think its safer to keep things just to myself, sinasabi ko naman kay Mack so ok lang. Mahirap na kasi, kung may pakpak ang balita, may rocket jet pack and tsismis.

“Paano kan ya niligawan at bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin na kayo na pala?” Tanong ni Camelia. Close kami nitong si Lia, pero medyo naging busy sya sa bagong nya bf these past few days so sigurado magulo rin ang isip ng isang to sa ngayon. Mahirap na.

“Hoy! Ay-En-Ih, nakikinig ka ba? Kapag hindi ka sumagot hindi ka pwedeng umuwi!” Kapag sinumulan na akong tawagin ni Li asa last three letters my first name ko, ibig sabihin non, seryoso as shit na sya.

“Lia, kasi ganito ‘yan….”, himinga ako ng malalim. Natahimik agad si Lia at nanlaki ang mata sabay titig sa akin na tila asong nag fasting ng 40days at ngayon lang ulit nakakita ng buto.

“Kasi ganito yan…” ulit ko.

“Ganito ang alin?” biglang sumulpot si Florabel. Isa itong malaking stop sign from heaven. Heto na ang sumpa!

Lumapit si Florabel at umakbay sa akin.

“Go on, talk woman…all is well with Florabel..” sabi niya.

“Ano to, three idiots lang peg natin, sasayaw na ba ako?” sagot ko naman.

“Uh! Go away Abel…sinisira mo vibe eh..” iritang sabi ni Lia.

“Vibe? I viber ko mukha mo eh…dont make me a stranger, ikaw lang may kaibigan kay Max? Kwento mo sa pagong mong boyfriend!” sumbat ni Abel.

Napatayo naman si Lia sa kinauupuan at nanginig ang laman sa panga. Nagsimula namang maging blonde ang buhok ni Abel, magsusuper saiyan na yata.

“Whoa! Whoa! Gals na astang guys…ako lang to...calm your tits…” pilit kong pinakalma ang sitwasyon.

“Mga gurlash! Anong eventness here? Chika bels? Fighting much na naman ang mga chakarut?” tila kabuting sumulpot ang gay-lingo speaking na si Itzi.

Now its really beyond my control…only the heavens can decide of the outcome of this unfortunate encounter. Why do i hang out with people who hate each other again?

“Ugh! Abel! Itzi! Go aaawaaaayyyy!” reklamo ni Lia.

“Wow, pa-star ka? Ano yan shotgun ba si Max? Pwedeng pag sigaw ng shotgun sayo lang?” sagot ni Abel.

Lalong tumindi ang lightning sa pagitan ng dalawa, inatras ko ng kaunti ang upuan…this is going to be entertaining.

“Mga bebe gel, wit ko gets bakit kayo laging war-anes…” sabat ni Itzi na batid kong ang nais lang ay pakalmahin and situationess…pwe, situation pala, nahahawa ako…

“That’s ‘cause you know nothing Itzi…” sabi ni Abel.

“Porke oblivious kasi sa lahat ng bagay…” dagdag ni Lia.

“Aber?! Biglang ako ang kaaway ng mga bruhita?” pagalit na sabi ni Itzi.

At hindi ko na kayang ituloy ang iba pang detalye kasi PG 21 na ang mga susunod na tagpo, nagkahukayan na ng baho, ng past, present at future, alam nyo naman mga babae.

Pero hindi ko pinigilan ang riot kahit na umuulan na ng granada at mukang may mapapabloter na mamaya sa kanila, kasi impossibleng awatin mga babae, alam ko, babae ako e. Kaya ginamit ko na lang ang pagkakataon para tumakas. Siguro ayaw ng tadhana na maikwento k osa kanila ang mga kaganapan sa mala prime time teleserye kong buhay.

Dahan-dahan akong tumayo, sinuot ang bag, at casually, lumakad palabas ng classroom.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon