CHAPTER XXV

72 5 0
                                    

HI GUYS....LAST CHAPTER NA PO NA N UD NMIN D KO ALM KUNG KELAN SISIPAGIN MAG TYPE PINSAN KO SANA PO MGUSTUHAN NYU TOH!!!! LOVE LOTS!!!^.^

Saan ba ako pwedeng dumaan na hindi ako makikita nung tatlo? Well, sabi nga nila, desperate times calls for desperate measures. So sa ngayon, mas delikado mas sigurado, kapit sa patalim style, hukbalahap mode, at isang lugar lang ang alam kong may madilim na reputasyon bilang escape route, ang Magatanan Gate.

Alam ko curious to death na kayong malaman kung ano itong Magtanan Gate na ito, kung hindi naman, pretend you are ‘coz imma tell you anyway.

So the legend goes way way back, yung mga panahong sepia pa ang kulay ng paligid. Imaginin nyo na lang. Noong unang panahon, noong prehistoric pa ang Green Grass High ay may dalawa itong gate. Ang main gate at ang back gate. Magubat pa noong ang ekswelahan, hindi pa uso ang lawn mower. Paglabas mo ng back-gate ay may isang tulay na kapag nilakad mo ay tutumbukin ang malawak na kabukiran.

And then pasok Shakespeare, may magkasintahan daw. Si Isidro at Rodora Y. Si Isidro ay mayaman at anak ng may ari ng pinakamalawak na hacienda sa lugar. Mental picture tall, moreno, handsome face, flowing black hair. Palaging sakasakay sa kabayo at equestrian get-up. Graduating na noong Isidro ng mapukaw ang kanyang damdamin sa yumi at ganda nitong si Rodora Y. Si girlush ay hampaslupang frog kumbaga, anak ng lambandera ng tiyuhin ng pinsan ng ninang ng besties ng pamilya ni Isidro. Syempre dahil Shakespearian ang peg natin, star-crossed lovers din sila, main kontrabida ang mga parents ni Isidro. Pero wapakels si Isidro at Rodora Y. kung hindi fan ng ship nila ang kanilang mga parents, ang motto nila, love conquers all…yessss.

Nagplano ang magsing-irog na magtanan. Sa gabi ng makasaysayang eskapo ay humahangos silang nagtatakbo patakas sa loob ng bakuran ng Green Grass, magkahawak kamay habang hinahabol ng mga goons na naka Ray Ban at leather na barong. Nang wala na silang ibang matakbuhan ay dumiretso sila sa back-gate at pagkatapos ay…..end of story. LELS.

Sorry, pero cliffhanger talaga ang kwento. Pero may mga theroies kung ano ang nangyari sa magkasintahan. Ang pinaka popular ay siyempre yung pinaka tragic. Ayon dito hindi raw makapayag ang dalawa na mahuli ng buhay. Better dead together than alive but separated ang peg. Kaya bago pa man sila mahuli ng mga goons ay nagbigti sila sa puno ng manga na matatagpuan paglampas ng tulay. Oooooh creepy…Sabi pa nila ay minsan nagpapakita ang magkasintahan sa may puno o naghahabulan sa kabukiran. Madalas daw silang nakikita ng mga magsasakang nag-oovernight sa bukid. Pero seriously, pwedeng mga malalanding teenagers lang yon na humahaliparot sa bukid…or multo…whatever.

At lumipas nga ang prehistoric medieval time sa GG. Naging moderno ang lahat. Time lapse ng back-gate.

Iniwang nakatiwang-wang ang makasaysayang back-gate na binansagang Magtanan Gate. Nagtayo ng bagong back-gate, mas malaki at may add-ons the guardia. Samantalang ang Magtanan Gate ay pinabayaang lamunin ng panahon at gumagapang na mga halaman, lumot at kalawang. At tila hindi pa sapat ang pang-aalipusta nila sa ngalan ng magkasintahan, tinayo ang school dumpsite sa tabi mismo ng gate. Hindi naglaon ay umuso ang tanim tanim beautification kemerlou at nagsimulang magtanim ang mga estudyante na nagresulta naman sa mini school jungle.

Walang ibang gumagamit ng gate maliban sa mga aso na mahilig mangalkal ng basura sa dumpsite. Walang estudyanteng gustong dumaan sa nasabing gate dahil maliban sa ewwie kadiri kadami ka germs nito, masukal dito, mapuno, madamo ay labis na pinagbabawal ni Madam Principal ang pagdaan dito. Pugot ng ulo ang parusa. Promise.

Hindi fan ang principal namin ng IsiDora love team, pinagbabawal nya ang pagdaan ng sinoman doon dahil magubat at Panay palayan ang makikita paglampas dito, so may posibilidad na magahasa ka ng alien, malapa ng aso, patayin ng giant worm o matuklaw ng King cobra. May point naman si Madam Principal, mabuti na yung nag-iingat.

Pero sabi ko nga, desperate times. Tsaka c’mon, siempre sigurado naman aong hindi lang ako ang nagkaideya ever na lumusot sa gate na yun no. Wala pa naman akong narinig na namatay na estudyante dahil lumusot sa gate na yon. Tsaka seryoso ha, kesa naman gipitin ako ng mga babaitang friends ko, aba e patuklaw na lang ako ng ahas. Tutal tanga naman ako, paninindigan ko na.

Tinitigan ko ang kalawanging Gateway to death valley. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng aking back-pack. Lumingo-lingon ako sa paligid, walang bantay, walang tao. Kinagat ko ang aking labi at huminga ng malalim at dahan-dahang lumakad palabas ng Magtanan Gate.

GUYS END OF CHAPTER XXV NA TOH XD SANA NAGUSTUHAN NYU W8 NYU LNG PO UNG NXT CHAPTERS HA AND PLZZ VOTE AND COMMENT NMN PO KAYU....(: LOVE U(:

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon