CHAPTER XXI

73 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

“Oh heto na po mahal ng hari ng kadiliman!” inabot ko kay Vince ang libro.

“Maganda ba to? Sukli ko?” inabot ni Vince ang kanyang kamay.

“Hinayupak talaga nitong lalakeng to! 250 lang binigay mo, 299 yan! Nag-abono pa ako tapos paghahanapan mo ako ng sukli?!” pasigaw kong sabi. Kasalukuyan kaming nasa labas ng isang cafe dahil kampanteng nagkakape doon si Vince at medyo matao sa paligid, di nila naiwasang mapatingin sa akin dahil sa lakas ng boses ko.

“Whoa…chill ipokrita. Hot na hot naman ang ulo mo ngayon. Nakakahiya sa mga madlang tao, konting manners naman hampas-lupa.” Kalmadong sabi ni Vince sabay higop ng kape.

Shit talaga ha, pigilan nyo ko! Gusto ko nang umuwi at mag wallow sa ibabaw ng kama’t unan ko, tapos magpaka sentí habang nakikinig sa Secondhand Serenade!!!!

“Tapos na ba tayo rito? Uuwi na ko!” pagalit kong sabi.

“Not so fast slave. Here, take this.” Sabi ni Vince sabay abot sa aking pabalik ng libro.

“Aanhin ko ‘to?” kunot noo kong tanong.

“Basahin mo, tapos kwento mo sa akin. Tapos pag ginanahan ka gawin mo na rin yung analysis tutal doon ka naman magaling. Doon lang.” Umaattitude na sabi ni Vince.

Grrrrrr. Oh heavens have mercy on my soul!!!

“SOBRA KA NA HA! Ang lakas talaga ng ano mo…AAAAAAAAAH! Shit, sayo na yung bwisit ng manga na yon! Saksak mo sa esophagus mo! Tapos sana bumara sa lalamunan mo at mapunit para ma septic ang buong katawan mo!” Reklamo ko sabay walk-out. Aba naman kasi, ang daming feels naman ang nararamdaman ko ngayon tapos eeksena pa tong hinayupak na ‘to? Seriously? Anong meron sa araw na to? Di naman Friday the Thirteenth, may eclipse ba, solar flare?

Sa kasamaang palad ay mabilis akong hinabol ni Vince. Ano ba naman to, lahat na lang habulin ako.

“Hoy! Hoy!” Sigaw nito.

“O?!” Lumingon ako.

“Libro ko.” Nakasimangot nitong sabi.

Shit talaga. Sarap pasagasaan sa traktora e.

Binato ko sa kanya ang lintik na libro at mabilis na naglakad palayo. Ngunit laking gulat ko ng sumunod pa rin si Vince. Sinabayan nya ng jogging ang lakad ko.

“Wow pang laban ng walkathon! Bilis ah.” Nang-aalaska nitong sabi nito.

“Ano to? Nasa’yo libro ah!” Puna ko habang patuloy na lumalakad ng matulin.

“Pero di talaga e. Real talk nga tayo Maximino, anyare sa’yo? Hot na hot ka ha. PMS o menopause?” Seryoso nitong tanong.

I can’t believe this is happening. Why in the name of time and space continuum is this happening!

Huminto ako sa paglakad at napakapit sa pareho kong tuhod. Pagod na pagod na ako.

“Sa wakas, tumigil ka rin. Kapagod ha.” Sabi ni Vince.

Kami-sama kill me now.

“Just leave me alone!” Tumuloy ako sa paglalakad, pero normal speed na lang ngayon.

“Pa’no kung ayaw ko.” Sagot nito habang patuloy akong sinusundan.

“Kung may hawak lang akong lanseta o kahit na anong matulis na bagay sinaksak na kita sa kili-kili! Pramis!”

Tumawa si Vince ng malakas.

“Swerte ko. Wala kang dala e.”

AYAW KO NA!!! Oh God why?

Pumara ako ng taxi. Huminto ito, pero agad na binuksan ni Vince ang pinto at sinabihan ang Driver na: “Kuya wala po syang pamasahe.” At kumaripas ng takbo ang taxi.

“ANO BANG TRIP MO?!”  Sigaw ko.

“Tara, keep walking. Nag-eenjoy na ako e.” Sabi ni Vince sabay hila sa braso ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad

“Anong nangyari sa’yo? Hagardo Versosa ka today ha.” Komento ni Vince. Hindi ako sumagot kahit na natatawa na ako sa loob ko dahil sa gay-linggo nya.

“Ohmaygahd! Noooo.” Sabi nitong bigla. “Don’t tell me you--?” Umiling ito.

“Ano? Ano na naman kamanyakan tumatakbo sa utak mo?” Naaalarma kong tanong.

“Break na kayo ni papa Sy?” Sabi nito.

“HINDI NGA KAMEEEE! And please, kahit para na lang sa mga batang nagugutom sa Africa, stop speaking in gay-linggo!”

Tumawa si Vince. Natawa na rin ako kahit hindi ko gusto. Para ba naman kaming tanga.

“Sa totoo lang, I don’t give a freak kung anong nangyayari sa inyong dalawa. But I’m feeling really lucky today.” Sabi ni Vince habang nakangiti.

“Saang sulok naman ng horoscope mo napulot ang destiny mo sa araw na ito?” Tanong ko.

“Doesn’t matter. Apparently today is The Day. So one last task. Ano? Call?” Tumingin siya sa akin.

“About what? Last na talaga ha?” Sabi ko.

“Oo, huli na talaga, then Zaki is all yours. I just need your help on something.” Sabi nito sabay kindat.

“Challenge accepted.” Sagot ko. “Pero what something?”

“It’s about a girl. C’mon!” At hinila na naman ni Vince ang braso ko at sabay kaming tumakbo sa gitna ng maraming tao.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon