CHAPTER I

292 8 0
                                    

CHAPTER ONE:

"Nanadya ka ba o talagang tanga ka lang?"

Hay naku, eto na naman po kami, nagsalita na naman po ang magaling. Hindi ako nananadya at lalong hindi ako tanga. Pero dalawa lang ang ibinigay na pagpipilian ng magaling, at hindi tama 'yon. Sa ganitong paraan pa lang ay tinatapakan na ng hinayupak ang karapatang pantao ko, a.k.a human rights. Syempre hindi ako papayag na maapi, syempre iimik ako, at kapag umimik ako simula na naman ng on and off na World War III.

"RIIIING!" Tumunog ang bell. Well good timing at least hindi na ako nakaimik, baka kasi umagahin kami kapag nakasagot pa ako sa hinayupak. Pero hindi natinag na nagmamabuting loob na bell ang matalim na titig ni Vince. Pero hindi rin ako papayag na ganyan. Mas matalim din ata akong tumitig, may pataas pa ng kilay.

"Ipokrita!" sabi ni Vince habang binibigay ang huling bala na matalim na titig.

Duh? So what?! Who cares?! Ipokrita yourself. Asar talaga itong si Vince, titig ko pa lang sasabog na sa galit, imaginin nyo pa kapag sinumulan ko na siyang barahin. Well, I think we had enough dose of our never ending quarrel today. Oras na para sa school, oras na para sa isa ko pang kaaway-Math.

Seatwork.

Yeah right seatwork.

Chaka.

Walang duda, I hate Math talaga!

Pero gaya ng kay Vince, hindi rin ako papayag na ang math ang humatak sa akin pababa sa pagtupad ko sa aking pangarap.

Aminado ako, mas mahirap kalaban ang Math kumpara kay Vince. Pero, I will still try my best!

"Ginoong Vince try to answer number one on the board", nagsalita na ang teacher, at si Vince, mabilis pa sa alas kwatro na sumunod.

Nagsolve.

Galing.

Mahaba ang solution, may checking pa, malamang tama yan.

Tama nga. Tumango kasi ang teacher.

Galing talaga. Math wizard. Kaya lalong ayaw ko sa kanya. Galit ako sa magagaling sa math.

Paupo na si Vince, pero si teacher nakatingin pa rin sa bansot na black haired na mukang masungit na lalaki.

"Ginoong Vince, na pa'no 'yang uniform mo?"

Oooops! Lagot! Napansin ni teacher ang natapong orange juice sa uniform ni Vince! Si Vince naman kasi! Lampa! Hindi marunong magpunas ng polo. Dali ako, itutuga ako ng hinayupak sigurado! Diyos Me! May awa naman siguro si Vince! Kahit paano tao naman siya, dapat may awa s'ya, aksidente lang naman yung nangyari kanina sa canteen! Vince! No! Pagsisihan mo kapag nagsalita ka!

"Tinapunan po ako ni MAXINE CAGEY ng juice sa canteen kanina,"

WAAAAAH! ISTUPID! ISTUPID VINCE!

"Wala pong halong biro, may mga testigo po ako, hindi nga man lang ho siya nag sorry."

Vince! Curse you! Paano ako magsosori eh puro dada ka! Vince! GRRRRRRR!

"Maxine, may paliwanag ka ba?" Naku, ang sama ng tingin ni teacher, 'di bale na, kaya ko 'to, go Max! 'Wag kang patatalo kay Vince! Hindi si Vince ang taong makakapagpadala sa iyo sa Guidance! Hindi si Vince! Hindi pa ipinapanganak ang taong magpapa guidance sa iyo! Go Max! You can do it!

Tumayo ako.

"Ah, hindi ko naman po itatanggi, totoo po na ako po ang nakatapon ng juice sa polo nya, pero ma'am aksidente po 'yon, may mga testigo po ako tapo-"

"O, bakit hindi ka nag sorry?"

Wow, kakampi ng hinayupak ang teacher, pinutol pa ang pagsasalita ko, walang galang na guro! Alam ba n'ya na isa sa mga room rules ay ang makinig sa nagsasalita sa harap?! At kung may tanong sya dapat syang magtaas ng kamay at bigyan ng permiso ng speaker para magtanong?! Grabe, walang manner! Ibabalik ko sa Elementary itong teacher na 'to kapag ako nainip! Pero, not now, take it slow Max, take it slow. 'Wag kang pahahalata na naiinip ka na at worried ka na baka ichika ka ng math teacher mo sa values teacher mo at baka bawasan nya ang grade mo sa character. wag kang pahalata Max, wag.

"Yes ma'am. Magsosori po ako. Nangyari po kasi ang aksidente few minutes before math time. Inabutan po ako ng bell, at alam naman po nating lahat na mahal po ni Vince Ruben ang subject ninyo kaya nagmadali po siya agad dito sa room. Ako naman po, diterminadong mag sorry pero ilang bangko rin po ang distansya sa akin ni Vince, at ayaw nyo ng maingay at nagtsitsismisan sa klase nyo kaya minabuti ko na po na after your subject na lang ako PERSONAL na mag sosori kay Vince Ruben."

Wow, ang galing ko, with matching kiler smile pa yan at over flowing confidence. May konti pa atang pagdududa si teacher.

"Pero alam nyo po ma'am, mabuti na rin ho itong nangyari, at least nakapag public apology po ako. Vince, SORRY ha. Kung gusto mo ipaglalaba kita ng polo"

Naks, pamatay yon! Ang mga epal ko namang kaklase todo "uuuuyy!" Uy nyo mukha nyo!

"O, Vince, ipaglalaba ka raw ni Maxine."

He, he, sa itsura ni Vince mukang alam na nya na talo ko sya. Score as of today, 1, 0, in favor of the ever champion Max!

"Hindi na ho", At sa wakas tuluyan ng umupo ang bansot.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon