CHAPTER VII

85 7 0
                                    

CHAPTER SEVEN

“Ibig mong sabihin since first year magka-away na kayo?” di makapaniwalang tanong ni Lance.

Tumango naman ako habang marahang umiinom ng juice.

“Hindi ko maintindihan”, sabi ni Lance habang nirorolyo ang mga props namin sa aming report bukas. Katatapos lang naming gumawa at inabot na kami ng gabi.

“Anong hindi mo maintidihan?”, tanong ko habang binababa ang wala ng lamang baso.

“ ‘Yung sa inyo ni Vince. Para kasi sa akin okey kayo. Mabait ka, mabait sya. Matalino ka, matalino sya. Kaibigan kita, kaibigan ko rin siya. Sa totoo lang noong makilala ko kayo naisip kong ang dami nyong similarities. Akala ko pa nga close kayo at magiging magkaibigan tayong tatlo.”

Tumingin sa akin si Lance, naghihintay ng sasabihin ko.

“Similarities?!” sabi ko sabay taas ng kilay.

“Magbati na kayo.” Ngumiti si Lance sa akin.

“No way.”

“Maiba tayo. Tapos na ang report, ginabi ka na. Nagugutom ka na ba? Dito ka na maghapunan. Wala naman parents ko ngayon, wala rin akong kasabay kakain.

Nakakakilig!

Kaya lang ayaw ko. Syempre dapat tatanggi muna ako. Hard to get kunwari.

“Hindi na lang. Grabe na ginawa mong favor para sa akin. Uwi na lang ako.”

“Ok.”

Tumayo na kami at naglakad papunta sa gate.

“Medyo malayo rin ang bahay ninyo. Pahatid na kita kay Mang Ponce”, pamimilit ni Lance.

Ang bait nya talaga, pero siguro gagawin rin naman nya to sa kahit kanino. Hindi mangyayari ‘yon. Hindi naman sa pagiging nega ha, pero scientifically and statistically speaking, sadyang mababa lang ang probability. Sa fairytales lang nagkakatuluyan ang handsome and the beast.

“Hindi na. Salamat na lang. Good night and thanks for the company. See you!” Naglakad na ako palayo ng walang kung anu-ano’y nagsalita si Lance.

“Ingat ka Maxine!” Pahabol niyang sigaw habang nakangiti sa akin. Sandaling nanlambot ang mga tuhod ko sa ganda ng ngiti ni Lance.

Anak ni Stephen King! Ang haba ng hair ko! Gusto ko talaga ang paraan niya ng pagbigkas ng pangalan ko. “Maxine” sabi nya, buo pa, hindi basta-basta “Max”. Nakakamangha kung paano nya nabigyan ng buhay ang tiboin kong pangalan sa pamamagitan lang ng pagbanggit dito. Sobrang lambing ng bigkas nya ang nagregister sa utak ko e hindi basta “Maxine” kung di “My dear Maxine”. Yes, nadagdagan ng two words! Iba talaga nagagawa ng pag-ibig mga friends! Wow grabe kinikilig na naman ako! Biruin mo, ilang oras din kaming magkasama. “Kami”, as in kami lang da-la-wa. Nakakalurkey! Nako naalala ko yung mga pasimpleng sulyap here and there, ah! Tapos medyo nagkakatamaan pa yung mga kamay naming pag nag-aabutan kami ng materials! OMG! KILEEEEG!

Kaso, oo kaso nga, hanggang doon lang naman yon. Friends. Secret ko lang na type ko si Lance. Hanggang friends lang kami. Darating ang araw, na malamang malapit na, na magkaka syota din si Lance. Manliligaw ang prinsipe at syempre sasagutin (sino ba namang ogags ang hindi mag-a-I do). Tapos magiging official BF-GF na sila. Sisikat sila sa campus. Ikakasal sa Wedding booth pagsapit ng foundation day, magiging Mr. ang Ms. Intramurals at magiging love team of the year. Malamang magiging cover pa sila ng yearbook o ng isang sikat na magasin. Tapos yung nuknukan ng swerteng GF nya magiging patron ng school at tataguriang ‘most lucky girl of the century’. Lahat ng babae gagayahin syang manamit, magsalita, pati na rin ang diet at religion nya kokopyahin ng lahat. Tuwing pupunta sya sa canteen ay parang red sea na mahahawi at tatabi ang mga tao, at kung talagang tatamaan ng magaling ay baka gumawa pa sila ng rebulto ng GF at alayan ng tinapay at kakanin tuwing ala-sais ng hapon. Tapos si Lance mananatiling ganon, mabait, matalino, kaibigan ko. Kaibigan lang. Forever.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon