CHAPTER XI

87 7 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

“Sorry talaga! I’m very sorry. Patawad. Alam ko walang kapatawaraan ang ginawa ko. Ayos lang na magalit ka, basta ang mahalaga humingi ako ng tawad. Sorry Max, sorry,” dirediretsong sabi ni Lance.

Napasandal ako sa mataas na bookshelf sa di mataong parte ng bookstore. Nakayuko pa rin si Lance. Tsinoy nga sya. Mahilig yumuko.

“Ayos lang. Hindi ako galit. Medyo kasi…”

Hindi ko na naituloy. Huminga na lang ako ng malalalim. Inangat naman ni Lance ang kanyang ulo at tumitig sa akin. Kitang-kita ang pagsusumamo sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mata.

“Max, alam ko napahiya ka. Sorry. Pero wag kang mag-alala: handa kitang panagutan.” Tumitig siya sa akin. Napamulangat naman ako. Panagutan? Ano ako buntis!

“Panagutan?!” gulat kong tugon.

Napailing si Lance.

“Sorry mali yung term na nagamit ko. Ang gusto ko lang sabihin handa akong maging boyfriend mo para hindi ka mapahiya.” Nakatitig pa rin siya sa akin. Puno ng pag-aalala. Ang kanyang mukha at halatang hindi siya mapakali.

“Lance. Ang pagkakaroon ng boyfriend hindi instant. Wag mo pilitin ang sarili mo. Hindi naman kita pinipilit tsaka ayos lang naman ako. Alam mo mukha kang irretable. Ayos ka lang? Umuwi ka na kaya.” Hindi nakapagsalita si Lance. Huminga siya ng malalim. Yumuko at tila pumikit. Umiling-iling tapos ay bigla akong sinunggaban. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan ako ng napakaseryoso. Huminga siya ng malalim at biglang nagsalita.

“Mali ka ng iniisip Max.” Huminto siya at lalo pa akong tinitigan.

“Ngayon ko lang gagawin ‘to . Max, ang totoo, ma- ma- ma- ma- ma- ha-maha- maha---”

“Ehem!”

Natigilan si Lance at sabay kaming napalingon sa aming tabi.

Nakatitig sa amin si Vince. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa na para bang may leprosy kami at diring-diri siya.

“Bookstore ‘to. Hindi ito park, banyo o prívate room para mag-ano-kwan kayo dyan. Humanap nga kayo ng tamang lugar. Nakakadiri!”

Tumalikod si Vince para kumuha ng libro sa kabilang shelf, pero bago pa man siya makahawak ng libro ay hinatak ko na ang buhok niya.

“Aray!”

“Hoy Vince! Linisin mo nga ‘yang utak mo! Polluted na! Wala kaming ginagawa na kahit na ano! Tarantado ka talaga!”

Tinulak akong bigla ni Vince.

“Bakit ka nananabunot! Ang yabang mo! Kung wala kayong ginagawang masama bakit andjan kayo? Alam nyo bang pwede kayong mapalayas sa school kapag nakarating sa kanila ang ginawa ninyo! Mga bastos!”

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon