CHAPTER XII

85 4 0
                                    

SOWI PO KUNG MXADO NATAGALAN ANG UD...NMIN...NGAYUN LNG PO ULIT SINIPAG MAGSULAT UNG PINSAN KO E...SOWI PO TALAGA..SANA PO MA-ENJOY NYU UNG UD....TNX PO

CHAPTER TWELVE

CHAPTER XII

MAX LOVE LANCE

Ang gandang vandalism sa blackboard nakakasira ng umaga sa halip na ang nakasanayang Vince love Tabitha ang nadatnan  ko ay ang vandal na ito. Hindi pa dyan natatapos nang lahat, ng sandaling makita ko si Romer the pesky classmate nagparinig na agad ito.

“Good morning Max, kumusta naman ang date sa bookstore?” Sabi nito sabay layo sa akin. Si Vince talaga, hindi mo malaman kung bakla o sadyang tsismoso, bangasan ko kaya yon pag dumating. Sinunngaban ko ang pambura at mabilis na binura ang pangalan ko at ang panagaln ni Lance, medyo niretoke ko rin ang nakasulat sa board at ang tanging naiwan ay:

VINCE LOVE TABITHA

Pinagmasdan ko ang board, gumulo ang takbo ng mundo ko ng dumating si Lance Leohard Sy sa buhay ko at sa kasaysayan ng Green Grass High. Naging iregular ang lahat. Si Tabitha na patay na patay kay vince na in love kay lance. Si Arnie na dating top one napalitan na ni Lance. Naging matumal na ang away namin ni Vince dahil palaging nakabuntot sa akin si Lance. Pero ang pinakamatindi talaga sa lahat ay nung may ma inlive sa akin, at walang iba kung di si Lance pa. Gumulo talaga ang lahat dahil kay lance. Tuloy minsan naiisip ko na may mali kay Lance. Kahit na humble sya at mabait pala-kwento, parang hindi siya nag kukwento ng buhay nya sa dating school na pinagmulan nya.

 Mahal daw nya ako. Mahirap paniwalaan kahit na mukang seryoso siya ng sabihin nya iyon. Istranghero sa akin si Lance at hindi ako dapat magmahal ng isang stranger.

“Good morning.” Isang mahina at matamlay na may halong pagkadismaya ang boses na narinig ko.

Nakatayo si Lance sa tabi ko at nakatingin din sya sa board. Hindi ko alam kung bakit pero nakakapanglumong tingnan ang malungkot niyang mukha. Hindi siya nakangiti gaya ng dati. Kasalanan ko. Gumulo rin ang buhay niya dahil ginusto niya akong tulungan.

“Max.” Mahinang sabi ni Lance, napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya, ibang iba talaga ang aura nya ngayon.

“Mahal mo ba si Vince?”

What?! Si Vince? No way! Never! Over my dead decomposing body. Grabe ha, hindi ko type si Vince. Halos malunok ko na ang sarili kong dila sa gulat ko sa tinanong ni Lance, at mukha namang nahalata niyang nagulat ako.

“Ayos ka lang?” Lumapit si Lance at hinawakan ako sa balikat, sakto namang pasok ni Vince sa pinto. Nagpakawala agad ang Little Demon ng bomba.

“Kaaga-aga, naglalampungan.Tsk tsk tsk. PDA.” Mahina niyang sabi, sabay iling. Para namang sinindihan ang ulo ni Lance sa sinabi ni Vince at agad niya itong sinunggaban na sobrang kinagulat ko naman.

Hinila ni Lance ang kwelyo ng uniporme ni Vince at halos umangat ang mga paa ng bansot sa lupa. Tinulak naman ni Vince si Lance at tumama ng malakas ang likod ni Lance si board.

“Anong problema mo ha?!” Pagalit na bulyaw ni Vince sa papaganting si Lance.

“Kelan mo ba balak isara yang bunganga mo? Ang aga-aga, nang-aasar ka.” Susugurin na ng nanggagalaiting si Lance ang bansot na si Vince pero bago pa man may mapa guidance ay pumagitna na ako sa away na nagpapaitnit sa ulo ko.

“Tumigil nga kayo!” at tumigil nga sila. Walang kumikibo. Walang nagsasalita. Ang tanging ingay lang maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang yabag ng paa ng mga kaklase kong naglalabasan n asa room dahil sa takot. Sino ba ang una kong lalapitan? Si Lance ba o si Vince?

“Tama na.” Mahina kong sabi habang lumalapit kay Lance. Hinawakan ko siya sa balikat. Nawala ang galit sa mukha ni Lance at lumabas kami sa room, iniwan namin si Vince na namumula pa rin sa galit.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon