CHAPTER XX

75 5 0
                                    

>>NPA AGA PO ANG UD NMIN PLZ ENJOY..^_^<<

CHAPTER TWENTY

Naka-upo kami sa isang concrete bench malapit sa basketball court. Magkatabi kami pero walang pansinan.

Sa gilid ng court nakabaling ang pansin ko, habang si Lance naman ay nakatitig sa mismong ring ng court. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na hindi nagimikan. Tila hinayaan naming pakalmahin kami ng oras at ng malamig at maaliwalas na hangin.

Mayamaya pa ay sumandal si Lance sa sandalan ng bench at tumingala sa mga ulap. Medyo napa-ungol pa siya, malamang dahil nagsisimula nang manakit ang mga bugbog at pasa sa kanyang katawan.

“Sorry,” sabi ni Lance tapos ay huminga siya ng malalim, “I was just extremely worried. But I have to admit, that was quite fascinating. Di ako makapaniwala, not in a million years will i ever guess na you’re gonna be the one to take down Galo.” Napatawa ng bahagya si Lance.

Hindi ako sumagot. How am i suppose to take in all of these?

“I’m very sorry, i know it’s not right to lie to you, but it was the only way i know to keep you beside me. I was selfish.” Yumuko si Lance, tapos ay tumitig siya sa akin pero nanatili akong nakatalikod sa kanya, gayon pa man ay damang-dama ko ang kanyang titig.

“It’s all my fault. I’m not gonna point a finger to anyone. But please hear me out Max. Hindi ko rin ma explain kung paano. I’ll be honest with you. Hindi ko inakalang things will turn out this way. It was suppose to be a simple task, a silly bet between, as you said it, ‘rich kids’. But then, it’s just not a bet anymore. I enjoy every moment I’m with you. You’re crazy, in a good way. You’re witty, hindi ka katulad ng kahit sinong babaeng nakilala ko. I can’t even explain, it just happened. The next thing i know I’m proclaiming to the entire High that you’re my girlfriend! It was ridiculous but i was happy. I thought i’ll get away with it…”

Natahimik bigla si Lance, leaving his sentence hangin on the air. Suddenly he got no words to describe the rest of the story. Yumuko siya na tila nagpipigil ng luha.

“How do i look?” Bigla niyang tanong.

Nabagbag naman ang puso ko kahit hindi ko gusto. Humarap na rin ako sa kanya at lakas loob na tiningnan ang kanyang mukha.

“Finally, a human uglier than me.” Sabi ko.

Tumawa ng malakas si Lance. Tumawa siya na para bang walang nangyaring panganib kanina lamang. Parang hindi siya nabugbog. Biglang bumalik ang kanyang sigla.

“See. I’m always happy when I’m with you.” Nakangiting sabi ni Lance. Kinailangan ko namang yumuko, kunwari exhausted lang, pero ang totoo kailangan kong itago ang mga pisngi ko dahil I’m so sure nag blush ako. Over naman kasi, pasa-pasa na nga ‘tong si Lance ang gwapo pa rin. Shocks pa ka romantic na rin ng scene na ‘to!

Muli ay isang sandaling katahimikan. Umihip ang hangin at tumunog ang mga dahon sa puno.

“I love you Max.”

Oh heavens. Sinabi ni Lance ang pinaka kinatatakutan kong mga salita. This is all too sudden! Sobra-sobra ang lahat ng ito para lamang sa kalahating araw. I have to pick my self up at mag-isip ng mahaba! I can’t have this now.

“Please stop Lance.” Mahina kong sabi, “Just don’t man.” Tumayo ako at naglakad palayo. Damang-dama ko na nakatitig siya sa akin at tumayo ang balahibo ko sa kanyang mga titig. Labis ko naman itong ikinakaba. Ayaw ko na ng isa pang confrontation sa araw na ito. I must run as fast as i can. This will be my great escape!

Pero hindi ako nakatakbo, dahil di pa man ako nakakabwelo ay may humila na sa braso ko. Tapos nag shut down ang utak ko.

Nagising ako sa lakas ng pintig ng puso ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap ni Lance. Nararamdaman ko rin ang tibok ng puso niya. Malakas pero mas malakas yung sa akin.

Natulala ako. Hindi ako makagalaw. Hindi na gumagana ang utak ko at nagwawala naman ang puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang ang gaan ng mundo. Lumulutang ako. Totoo ba ang sinasabi ni Lance? Ewan. Pero unti-unting bumabalik sa aking ala-ala ang kanyang mga ngiti, tawa at mga pagtulong sa akin. Tila lahat ay nag flashback. Ang ala-ala noong araw na tinawag niya akong maganda at iyong araw na ipinagsigawan niya sa lahat ng girlfriend niya ako. Noon lang ang nakarnas pahalagahan ng isang tao ng ganoon. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong yakap. Masaya ako deep inside, pero na-iiyak ako dahil na overwhelm ako sa pinakitang concern sa akin ni Lance. First time na may nagtapat sa akin ng pag-ibig, sa bookstore pa. First time may nagpabugbog sa akin para lang magkaroon sya ng freedom na mahalin ako. Maybe hindi ko lang mawari, hindi ko maarok, kung bakit gagawin iyon lahat para sa akin ni Lance. Why me? I don’t feel like i deserve any of these. But here we are, magkayap sa gitna ng Green Grass High, and even though kagagaling lang namin sa isang rumble, sa isang eksena sa taxi ay parang everything is perfect ngayong magkayakap kami. Tahimik lang si Lance. Wala rin akong sinabi. Pero that’s enough. I can feel my heart and his heart, his breath and my breath. I feel safe and loved. Ibig ba nitong sabihin ay mahal ko na rin si Lance. Yes, maybe, i don’t know.

“May nag text sa’yo Max!” sigaw ng cellphone ko.

Natauhan ako bigla at nagulat naman si Lance at nabitawan ako.

Hinatak ko sa aking bulsa ang lecheng panira ng moment na cp ko. Binasa ko ng tahimik ang mensahe:

“Task for ipokrita: pumunta sa bookstore, ipili ako ng libro pang book analysis. Madali Facunda! Pagbilang ko ng sampu at wala ka pa dito may katus ka sa akin. Isa…. From: Master Vince.”

Anak ng—

Binulsa ko ang cellphone. Kinakabahan pa rin ako. Biglang naging super awkward ng moment. Hindi ko alam kung paano magpapa-alam! Shit!

“Aaaaa emergency e…hmmm…cheerios!” Sabi ko habang nakayuko sabay takbo ng walang lingon-

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon