CHAPTER VI

84 7 0
                                    

CHAPTER SIX

Ang laking bahay! Wow! Parang kung tatayo ako sa tuktok ng mansyong ito matatanaw ko ang tiyo ko sa opisina nya sa Dubai, makakawayan ko ang lola ko sa Canada at makukumusta ko ang uncle kong naglalayag sa Caribbean!

Magkano kaya ang bahay na ito? Siguro kung i-coconvert mo ang bahay na ito sa PSP, malamang mapuno ng PSP ang buong Luzon! Grabe, siguro makakapgpagamot na ako ng libo-libong may cancer kung gagawing pera ang bahay na ito! Grabe talaga! Ang yaman ni Lance! Siguro ang higaan nya malambot pa sa sampung water bed combine! Siguro may golf course sya tsaka basketball court sa loob ng kwarto. Pwede ka sigurong mag ATV sa loob ng salas nila ng hindi nakakabunggo ng kahit na ano sa lawak nito! Siguro may tatlong daang chandelier sila, antiques at iba pa! Malamang solid na marmol ang sahig nila at Molave ang kisame! Siguro yung mga gamit nila sa kusina may diamante tapos ang mga inuulam nila mahal, gaya ng el nido soup, sharks fin, blue lobster! Tapos ang kape nila Starbucks! Tapos siguro marami silang kotse, may feroza, echo, everest, delica, crosswind, avanza, alto, pajero, and so on! Tapos ang mga motor nila parang mga ducati! Tapos may singkwenta silang resort all over the Philippines tapos bawat resort nila may limang infinity pool! Whoa! Tapos for sure may mga aso sila, something like golden retriever, saint Bernard, pitbull Belgian sheepdog, german shepherd, rough collie, cocker spaniel, Rhodesian ridgeback, afgan hound, dachshund, bloodhound at beagle! At ang mga katulong nila sobrang dami, siguro kailangan na nilang magsuot ng I.D.!

Haaaay!

Ano kaya ang trabaho ng mga magulang ni Lance, putek na iyan!

Hindi naman siguro smuggler?

Drugpusher?

Jueteng lord?  

Kidnapper?

Druglord?

Secret assassin?

Whoa! Hindi naman siguro! Pero sa totoo lang ha, ang laki talaga ng bahay!

“Bagong panganak ka ba?! Hindi ka ba marunong magdoor bell?!”

Tumambad sa aking harapan si Vince. Nakabukas ang gate at mukang kanina pa sya nauna sa akin dito.

“Ang usapan 1:30 pm, hindi alas dos! May relo ka ba?! O baka naman hindi ka marunong tumingin ng relo? Aba kulang na lang hindi ka pumunta a!”

Mapanglait na naman ang boses ni Vince at ang mga titig nya, ang gaya pa rin ng dati. Seryoso.

“Kanina pa ako dito, tinitingnan ko lang yung bahay. Kung umasta ka parang ikaw ang may ari nitong bahay a!” sagot ko naman.

Kainis talaga, ayos na sana ang grouping namin noong isang araw para sa project sa Social Studies! Biruin mo, Maxine Cagey at Lance Leohard tapos may pumapel na Vince Ruben!? Peste talaga!

“Kanina ka pa?! ibig mong sabihin kalahating oras kang nakatanga dito sa harap ng bahay?! Bakit wala bang gate yung bahay nyo?! Wala ba kayong bubong?! Wala ba kayong bahay?! Alien ka ba?! Alam mo, tanga ka talaga at hindi lang yon banu ka pa! Parang bahay lang natulala ka na!”

WHAT?! Ang kapal talaga ng apog ng Vince na ito! Ano bang ikinagagalit nya?!

“Kung makapag salita ka akala mo mayaman ka! Kala mo bilyonaryo ka! At alam mo ba ang dada mo?! Para kang inahing manok! Putak ka ng putak! Tarantado ka! You know what kind of person you are, you’re a bitch!”

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yon. Basta ang alam ko lang nasagad na talaga ako. Halos sumabog na nga ako sa galit.

“Kung makapagmura ka parang ikaw ang nagpapakain sa akin! Ilugar mo nga ang sarili mo! Ang mga kagaya mo dapat sa SPED nag-aaral at sa basurahan sa Payatas nakatira! Ipokrita ka! Wag na wag mo akong tatawaging bitch!”

Unti-unti nang kinuyom ni Vince ang kanyang mga kamao. Pero hindi ako takot. Kung akala nya masisindak niya ako sa ganon pwes, isa iyong malaking pagkakamali. Mas gusto ko nga yung ganon. Pag napipikon ko na ang kaaway ko gustong-gusto ko iyon. Sa pagkakataong ito balak kong sagarin ang pasensya ni Vince.

“Anong balak mo! Susuntukin mo ako? E asar ka pala, pikon!”sabi ko sabay medyo tawa ng isang salbaheng tawa.

“Bakit hindi mo ituloy?” pang-aasar ko pa lalo sa halos na umusok na si Vince.

Nagpipigil si Vince, nakikita ko iyon. Pinagpapawisan siya at humihikip ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ang seryoso niyang mga mata na palaging mukang masungit ay naging matang punong-puno ng galit ngayon. Sasabog na si Vince! Sagad na nag pasensya nya! Ha! Natutuwa ako! Parang lumalakas ako tuwing nakikita ko syang naiinis, nahihirapan at nalulungkot. Alam ko medyo devilish na pakinggan, pero natutuwa talaga ako!

Nakipagtitigan din ako sa kanya, with matching pame-awang pa. Alam ko, isang salita ko na lang sasabog na si vince, at dapat ang huli kong sasabihin ay maiksi lang, pero ang impact ga-atomic bomb. Kailangan kong umusip ng isang salita na tuluyang uubos sa kakarampot na natitirang temper ni Vince at nakaisip na ako ng salita. Tiyak mawiwindang sya. Suntokin man nya ako, wala akong pakialam, dahil kapag ginawa nya yon alam nyang talo na sya.

Dahan-dahan akong nagsalita.

“Bak—la.”

Tumagos sa laman at buto ni Vince ang salita.

Sumabog na nga si vince.

Hinatak nya ng kaliwang kamay ang kwelyo ng damit ko ang iniamba ang kanang kamay ng suntok. Susuntukin nya ako. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang galit.

Pero.

Pero….

Hindi nya tinuloy. Gayon pa man, mahigpit pa rin ang hawak niya sa kwelyo ng damit ko at naka-amba pa rin ng suntok ang isa nyang kamay.

Magkatitigan kami. Pareho kaming determinado. Ngayong hapon na ito dedesisyonan na kung sino ang talo. At alam ko si Vince yon. Isang sabi ko na lang ulit ng ‘bakla’ alam ko talo ko na sya. Sasabihin ko na. at mananalo ako. (evil laugh)

“Hoy Vince! Duwag ka, bak—”

Nabitawan ako ni vince dahil pumagitna sa amin si Lance.

“Vince what’s the matter?!”

Hindi nagsalita si Vince. Tinitigan nya ako at tinitigan ko rin sya.

“May araw ka rin sa akin!”, pagbabanta ni vince sa akin sabay talikod at naglakad palayo.

“Vince! San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos sa report natin!”

Pilit syang pinigilan ni Lance pero hindi na nagsalita o lumingon man lang si vince.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon