CHAPTER XXII

225 4 0
                                    

sorry po ngayun n lng po kmi ulit nkapag UD..peo sna po maenjoy nyu ung nxt UD nmn...^_^

CHAPTER TWENTY-TWO

“Saan ka pala galing kanina?” tanong ni Vince. Kararating lang namin sa bahay nila Vince. Nasa garden kami, sa kubo. Walang ibang tao sa buong bahay kung hindi kami at ang bunsong kapatid ni Vince na si D, as in letter D, short for Dexter.

Si D and direct opposite ni Vince. Kung si Vince ay binhi ng kadiliman, si D naman ay niluwal ng langit, gift for mankind. Mas matangkad si D kay Vince at hamak na mas cool. Maamo ang mukha ni D, payapa ang mata, tipong tantalizing. Palangiti rin si D at ka edad ni Mack. Kung si Vince ay umaalingasaw ang negative vibes ni D naman ay nagniningning sa positive vibes. Minsan tuloy kaduda-duda kung magkapatid ba talaga sila.

“Bakit sobrang magka-iba kayo ni D? Ba’t sya mabait, mala-anghel?” Tanong ko habang pilit na binabago ang topic.

“Psychopath yun, wag kang katiwala. Nasa loob ang kulo nun, wag mo pating binabago ang topic obvious ka e.” Sagot naman nito.

Hindi pa rin ako sumagot.

“Maximino san ka galing?” patuloy na pangungulit ni Vince.

Sa isang abandonadong warehouse kung saan nagmala Babe Ruth ako at mala spartan na pinatumba ang future mafia boss na may mga power rangers na side-kick na siya namang  kapustahan pala ng prince charming ko. Tapos non nagpaka koreanovela x jadorama x shoujo manga scene naman kami ni Lance sa Green Grass, pero bago yon nag WWE Smack Down muna kami sa Taxi.

As if naman sasabihin ko yon.

“Galing ako sa best day of my life” sarcastic kong sagot. Sumimangot naman si Vince.

“Date gone sour?” Sabi nito.

“Sweet and sour with onion and chives.” Sagot ko naman.

Napatitig naman sa akin si Vince.

“So nag date nga kayo ni Lance? Akala ko ba di talaga kayo? Ano ‘to landi mo lang?”

Bwisit talaga ang isang to. Parang hybrid ni Lolit Solis at Da Boy e.

“Hindi naman kasi daaaaateeee!!! Nag-usap lang kami! Malandi agad?!” Sagot ko.

“Si Lance nga?” Tanong niya.

“Malamang, alangan ikaw.” Sandaling natahimik si Vince. Tila nag-iisip.

“Since atin-atin lang naman ‘to, sumagot ka nga ng totoo, kayo na?”

“Pwede magbigti? Ang kulit mo rin no Vince? Ilang libong beses ko ba sasabihin sayo na hindi nga kami! Hello? Sa lahat po ng alien sa loob ng ulo ni Vince, hindi po kami ni Lance! Can we go back to bussiness?” Naiirita kong sagot.

“May balak ka bang sagutin si Lance?”

Grabe na ring kakulit ng isang to! Kami-sama, saan naman po kaya humuhugot ng kakapalan ng mukha ang isang to?!

“Hindi ko alam! Siguro. What do you care?!” Pasigaw kong sagot.

“Akala ko ba nagka-unawaan na tayo na evil rich bastard si Lance?” Tanong nito.

“Hoy, wala tayong pinirmahang kasunduan na ganun no! Tsaka tingin ko nga sobra natin siyang hinusgahan. May negative things about kay Lance pero may positive rin. Mali na hinusgahan natin siya ng hindi pa naman natin talaga siya nakikilala.” Pagtatanggol ko.

“Aba, biglang kay Lance ka na naka side ngayon. Sigurado ka bang ‘usap’ lang talaga ginawa nyo?” Taas kilay nitong tanong.

Di ko napigilan ang sarili ko at nahampas ko si Vince ng malakas sa braso.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon