CHAPTER XVII

65 4 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko si Lance na naghihintay sa aking pagdating. Umayos ako ng pwesto para siguradong hindi niya ako makikita. Tapos tsaka ko sinagot ang text niya.

“Hindi ako makakapunta. Sorry.” Send. Ano kayang magiging reaction niya? Ngayon ko malalaman kung may malasakit talaga siya sa akin.

Mula sa kinatatayuan ko nakita kong dinukot ni Lance ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Mukang dumating na ang text ko. Binasa niya ito. Umiling siya, kita ang dismaya sa kanyang mukha. Mukang magrereply pa. Teka may mga taong palapit kay Lance! Tinago ni Lance ang cellphone nya. Pinaikutan siya ng tatlong lalaking mga ka-edad lang siguro namin. Mukang mayayaman. Porma pa lang alam ko na. Umakbay kay Lance yung dalawang lalaki. Yung isa naka red, yung isa naka yellow at yung naka blue naman ay mukhang kinukulit si Lance. Nakangiti yung tatlo pero si Lance hindi. Mukang galit siya. Tinulak ni Lance ang mga naka akbay sa kanya at pinagsisigawan ang lalaking naka blue. Iniwan sila ni Lance pero hinabol nila ito. Sumenyas yung lalaking naka yellow at biglang may kotseng dumating. Hinaraang ng tatlong lalaki si Lance. Galit na galit namang nagsalita si Lance. Biglang may bumaba sa kotse na isang lalaking naka-itim at may suot na pulang cap. Inakbayan si Lance at sa itsura ni Lance ay makikitang gulat na gulat siya. Inakay ng lalaki si Lance sa loob ng kotse at walang kibo naman si Lance pero bakas sa mukha niya ang takot. Nang nakasakay na ang lahat sa kulay itim na kotse na get away vehicle ng lalaking naka black ay agad itong humarurot palayo.

Anong gagawin ko? Dinukot ba nila si Lance? No time to think!

“Taxi!” tumigil ang taxi at agad akong sumakay.

“Doon  po tayo. Sundan nyo naman po yung kotseng black. Doon po oh.” At kumaripas rin ng takbo ang taxi.

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang PerpektoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon