Chapter 65: Impact

2.3K 82 37
                                    

Bumalik muna kami sa hotel baka kasi nagising na si Cinderella at hinahanap kami. Pagkarating namin doon ay natutulog pa din siya dahil na din siguro sa sobrang pagod. Umupo muna ako sa sofa at kinuha 'yung cellphone ko, nakita ko na may text sina Ella, Andrea, at Joanna sa akin.

Una kong binuksan 'yung kay Joanna.

Joanna:

You've been lost the opportunity.

Bigla akong naguluhan sa message niya. Anong gusto niyang sabihin na nasayang ko daw ang oportunidad? Di ko siya gets.

Sunod ko naman binuksan ay 'yung kay Ella.

Ella:

Your probably happy right now.

Natahimik ako sa text ni Ella. No, i'm not happy. Paano ako magiging masaya kung aalis na pala si Joaquin ngayon at pupunta na ng France kasama si Azazel? May dahilan paba ako para maging masaya ngayong aalis na siya? Hay.

Huli kong binuksan ang text ni Andrea. Parang biglang huminto 'yung mundo ko sa nabasa ko. May mga namumuong luha sa gilid ng mata ko, agad akong tumingala para hindi matuloy ang mga luhang nagbabantang lumabas.

Andrea:

Nakaalis na siya. Hinanap ka niya bago siya umalis, gusto niyang malaman kung mahal mo pa ba siya. He's willing to give up everything, even the child in Azazel's stomach. But you were not here. He loves you more than he loves Azazel.

Pinunasan ko ang mga luha ko, hindi ko pa din talaga mapigilan ang aking pagiyak. Kung mas mahal niya ako kesa kay Azazel bakit siya sumama sa kanya? Bakit hindi niya ako pinaglaban? Damn. Ayoko! Hindi ako maniniwala sa kanila. Dahil kung mahal talaga ako ni Joaquin hindi siya aalis at hindi siya sasama kay Azazel. Kasinungalingan! Noon pa man alam ko na hindi niya ako minahal, alam ko na si Azazel ang mahal niya at hindi ako. I was his fucking best friend for pete's sake. Ako lang ang nagmamahal sa kanya noong magmula palang noong bata pa kami.

He was my first heartbreak, and until now.

"You're crying again." Rinig kong sabi ni Hunter at umupo sa tabi ko.

Hindi ako lumingon sa kanya dahil nahihiya ako. Nandito kami para magenjoy pero bakit nagiging kabaliktaran ata ang lahat?

Nagulat ako ng bigla niya akong hinarap sa kanya at niyakap ako. Mas lalo tuloy akong naiyak. Sobrang nagpapasalamat ako dahil may taong nandito sa tabi ko ngayong panahon na parang pinagkaitan ako ng mundo. Nandito si Hunter sa tabi, at alam kong hindi niya ako pababayaan.

Umiyak lang ako sa dibdib niya hanggang sa mabawasan ang sakit na nararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Umiyak lang ako sa dibdib niya hanggang sa mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman niya ako binitawan. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at marahang hinalikan ang mga luha sa aking mukha. Hindi ako kumibo sa ginawa niya, mas naging magaan ang nararamdaman ko dahil doon.

"You're to precious to get hurt, darling." Bulong niya pagkatapos niyang halikan ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita, feeling ko ay nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa niya. Wala din akong lakas na tumingin sa kanya.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon