Chapter 62: Foam Party

2.3K 90 14
                                    


The plan was settled, pumayag na din si mommy na sa Maldives kami magba-bakasyong magpi-pinsan. Isang buwan na lang din naman at summer break na kaya excite na excite na ang mga pinsan ko.

Habang sa school naman ay padami na ng padami ang mga gawain, siguro ay dahil na din nagtatapos na ang klase. Next week na din ang amin retreat kaya abala din ang mga iba naming mga professors. Habang ang Miss Campus naman ay gaganapin din next week pagkatapos ng retreat, hindi na din naman ako pinilit ni Prof Limin na sumali dahil nandiyan na si Joanna at siya nalang lalaban para sa aming year level.

"Saan niyo gusto mag lunch?" Ngiti-ngiting tanong samin ni Dexter pagkatapos ng last subject namin ngayong morning. Tinignan ko lang siya at hindi na umimik.

"Kahit saan, basta masarap." Sagot naman ni Ken.

"Ulol. Mahilig ka talaga sa masarap noh. Ikaw, Joaquin? Saan mo gusto?" Tanong nito sabay lingon kay Joaquin na busy ngayon sa cellphone niya. Tumingala siya kaya napaiwas ako ng tingin. Well, this is so fucking awkard.

"Hindi ako makakasabay sa inyo, sasamahan ko sa hospital ngayon si Azazel." Gusto kong umiyak sa narinig ko. Naramdaman ko ang paginit ng mga mata ko, shit ayokong umiyak sa harapan niya. Marahan akong tumingala upang pigilan ang mga luha na nagba-badyang kumawala sa mga mata ko.

"Tss." Narinig kong bulong ni Ella at lumabas ng room, pabagsak din niyan sinarado ang pinto. Nakita ko naman na sinundan siya ni Joanna.

"Your girlfriend is bitter, bro." Bulong ni Kuya Nathaniel kay Ken pero rinig na rinig ko 'yon, napairap na lamang ako at tumayo sa upuan ko.

Nabaling ang mga tingin nila sa akin. Nagtama ang mga mata naming ni Joaquin, agad na sumalubong sa akin ang malalamig niyang tingin. Tuwing nakikita ko ang mga tingin na 'yon ay gustong gusto kong umiyak at inisip na sana mawala na lang ako para hindi na maramdaman ang sakit na 'to. Hindi ko naman siya masisisi dahil ginusto ko 'to, ginusto ko na mapalayo siya sakin.

"Aalis ka?" Tanong ni Ken sa akin.

Tumango lang ako at lumabas na ng room. Hindi na ako lumingon pa kay Joaquin, paniguradong masasaktan na naman ako kapag lumingon ako sa kanya.

Nagpunta na lamang ako sa field ng school at umupo sa mga bleachers doon. Napatulala na lamang ako. Kailan ko kaya matatanggap 'yong katotohanan na kahit kailan ay hindi na siya babalik sa akin?

"You look so frustrated." Tumingala ako, I saw Hunter.

Umupo ito sa tabi ko at marahan na pinasada ang kanyan mga daliri sa mahaba-haba niyang buhok. Dammit, he looks so hot. Mabilis akong napaiwas ng tingin, naririnig ko na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Shit, what's happening to me?

"M-madami la-lang akong iniisip." Napapikit na lamang ako ng mariin, bakit nanginginig ako? Ano 'to? Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nandito siya sa tabi ko at sa tuwing kasama ko siya.

"I wish, I can relieve all those bad thoughts of yours." Sabi niya at ngumiti. Damn, his smile makes me so fucking happy.

Hindi ko alam 'yung sasabihin ko kaya hindi na lamang ako sumagot. Tuwing kausap ko siya ay nai-speechless ako. Damn this guy, ginayuma ata ako.

"Nag lunch kana ba?" Tanong pa niya.

"Oo." Sagot ko kahit hindi pa. Nahihiya kasi ako na baka yayain niya pa akong maglunch, ayoko kasi na palagi siyang kasama dahil na din sa may weird akong nararamdaman tuwing nandiyan siya.

"Same. May maghahatid ba sa'yo mamaya? Ihahatid kita kung wal---"

"Meron! Si Kuya Nathaniel." Shit, kinakabahan talaga ako kapag kausap ko siya. Hindi din naman ako sigurado kung isasabay ako ni Kuya Nathaniel, panigurado naman ako na magba-bar hopping ang isang 'yun kasama si Dexter.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon