Chapter 58: Pregnant?

3.8K 112 59
                                    

Ansherina's Point of View

Nakatulala ako habang nakatingin sa kawalan, sobrang daming bagay ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Parang gusto ko na lamang magka-amnesia upang makatakas na din sa katotohanan na hindi na siya sa akin, at wala na akong karapatan pa sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko, alam ko naman na mangyayari ito pero bakit hindi pa ako naging handa? Ang sakit.

Muli kong pinagmasdan ang sulat, sulat na pinadala sa akin ni Azazel. Kahit wala itong pangalan na naka lagay, alam ko na galing ito sa kanya. Siya lang naman ata ang may kapal ng mukha na magpadala ng ganitong sulat. Alam ko na matagal na niyang gustong makuha si Joaquin sa akin, alam naming lahat 'yon.

Dalawang linggo na ang lumipas pero ang sakit-sakit pa din sa akin. Alam na din ng mga kaibigan ko ang nangyari sa aming dalawa, at sa loob ng dalawang linggo hindi din pumapasok si Joaquin. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko pero 'yun naman ang makakabuti para sa kanya. Lagi nalang siya ang nagsasakripisyo sa amin dalawa, kahit sana ngayon lang ay ako muna ang magsasakripisyo.

"Andrea, may problema ba?" Tanong ko, mukha kasing hindi sila mapakila kanina pa. Para bang may nalaman sila ng kung ano at bigla-bigla na lamang silang pinagpapawisan.

"H-ha? Wala hehe." Sagot naman nito at agad ng umiwas ng tingin. Hindi na amang ako nagtanong pa dahil mukhang ayaw naman niyang ipaalam sa akin kung ano 'yung gumugulo sa isipan niya.

Sobrang weird lang kase, pati sina Kuya Nathaniel ay mukhang hindi din mapakali. Lahat sila ay mukhang naiiihi na ewan. Pinag sa walang bahala ko na muna sila at sinubukang makinig sa professor namin.

Maya-maya may nagabot sa akin ng isang papel, tumingin naman ako sa kanya. 'Yung kaklase kong nerd.

"Pinapabigay ni Hunter." Sabi niya at tumalikod na. Tumingin naman ako sa lugar ni Hunter, nakita ko siya na nakatingin sa akin. Nang makita niya akong tumingin sa kanya ay ngumiti siya kaya nginitian ko din siya.

Para saan naman kaya 'tong papel na 'to?

Inalis ko 'yung pagkakatupi ng papel.

Sabay tayong maglunch ha? Half day lang naman tayo ngayon, kasama natin si Cinderella. Gusto ka kasing makasama ng kapatid ko. Okay lang naman kung hindi ka pumayag. 

Pagkatapos kong basahin 'yung sulat ay muli akong tumingin kay Hunter, ngumiti naman ako sa kanya at nag thumb's up. Wala naman akong gagawin mamayang after class kaya sasama ako sa kanya, at saka gusto ko din makita ulit si Cinderella. Nakita ko naman siyang ngumiti at umiwas na ng tingin.

--

"A-ah, mauna na kami Ansherina." Sabi ni Joanna at sumenyas na aalis na. Tumango na lamang ako sa kanila. Mukhang may kakaiba talaga sa kinikilos nila.

Hindi na sila kamukha ng dati na pipilitan akong sumabay sa kanila, ngayon hindi na. May problema ba?

Pinagmasdan ko na lang na makaalis ang sinasakyan nila.

"Ansherina!" Lumingon ako sa sumigaw.

Sobrang bilis ng pangyayari. Napamulat na lamang ako na naka higa sa tabi ng kalsada at yakap-yakap ni Hunter. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sakin ni Hunter. Tinulungan niya akong matayo, hindi pa din ako makasagot sa tanong niya.

Para akong natulala sa nangyari kanina.

"O-oo, ikaw ayos ka lang?" Tumango lang ito. Napansin ko naman ang galos sa may kanan niyang braso, hala.

"May sugat ka!" Natarantang sabi ko. Bigla naman siyang natawa. Eh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon