Chapter 59: Engagement Party

4.5K 132 111
                                    

Ansherina's Point of View

Isang linggo na ang lumipas simula ng malaman ko ang tungkol kina Joaquin at Azazel. Hindi na lamang ako kumibo pa, mas pinili ko nalang na magkulong sa kuwarto at itakwil ang mundo. Hindi ba 'yon naman ang gusto ko? Ang ilayo sa akin si Joaquin, ginusto ko 'yon at wala akong karapatan magsisi sa ginawa ko.

Mamayang gabi na ang kanilang engagement party, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tanging pagiyak na lang ang tangi kong ginawa, ang tanga ko. Bakit ako nasasaktan sa sarili kong desisyon? Bakit ako nasasaktan sa katotohanang ikakasal na siya sa susunod na mga buwan? Bakit ako nasasaktan dahil alam kong buntis si Azazel ang taong mahal na mahal ko ang ama?

Bakit hindi niya ako kayang ipaglaban?

Kung sa bagay, bakit niya ipaglalaban ang taong nagtaboy sa kanya? Napaka wala kong utak.

Nakikita ko na naman ang sarili ko dalawang taon na ang nakalipas. Nakakulong sa kuwarto, hindi kinakausap ang kahit na sino, at itinakwil ang mundo. Hindi ko alam na hahantong pala ulit ako sa ganitong kalagayan at si Joaquin na naman ang dahilan ng lahat ng 'yon. Muli ko na naman naramdaman ang mainit na patak ng tubig na dumampi sa mukha ko, agad ko naman itong pinunasan at pinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Nasa akin parin 'yung pagasa na sana ay joke lang ang lahat ng 'to o kaya naman ay isa itong napaka samang panaginip.

Hindi ko lubos maisip na masasayang lang pala ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang lahat ng tiyaga at hirap ay mauuwi lang din pala sa wala. Naghintay ako ng halos tatlong taon para makapiling siyang muli, siguro nga mas maganda kung hindi na nakaalala si Joaquin. Mas maganda na 'yung hindi niya ako maalala kesa sa katotohanan na ikakasal na siya sa iba.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kuwarto ko. Nanatili pa din akong nakaupo sa sulok at hindi pinansin 'yon.

"Ansherina..." Hindi ako sumagot. Alam ko naman na sina Andrea ang mga 'to, halos araw-araw ata silang nagpupunta dito sa bahay naman para katukin ako dito sa kuwarto. Hindi na sila nagsawa.

"Lumabas ka diyan, anak. Hindi makakatulong sa'yo ang ginagawa mo." Mas lalong tumindi ang pagiyak ko ng marinig ko kung kanina boses 'yun, boses ni daddy. Ang aga naman ata niyang umuwi? Akala ko next month pa lang ang uwi niya galing Netherlands.

Hindi ako sumagot. Sa kagustuhang gusto kong makita si daddy ay lumapit ako papunta sa pinto. Nagsandal ako doon at umupo.

"D-daddy..." Bulong ko, hindi ko alam kung maririnig nila 'yon. Nawala na din ako ng boses dahil nanuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak.

"Anak? Lumabas kana diyan. Pagusapan natin 'yan, hindi magandang sinasarili mo ang problema mo. Nandito kami ng mama mo at ng mga kuya mo, hinihintay ka din ng mga kaibigan mo." Nang marinig ko na sinabi 'yon ni Daddy ay bigla akong napaisip.

Siguro nga hindi magandang sarilihan lang ang problema ko. Kaya siguro mas lalong bumibigat ang dinaramdam ko dahil na din wala akong mapagbubuhusan ng sakit.

Dahan-dahan akong tumayo at marahan na pinihit ang door knob.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa paningin ko sina daddy, mommy, andrea, ella, Joanna, ken, dexter, ken, kuya Nathaniel, at kuya Andrei.

Kumpleto sila.

"Ansherina!" Sigaw ni Andrea at agad akong niyakap. Ganun din ang ginawa nina Joanna at Ella. Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang sila na yakapin ako.

Kumalas sila sa pagkakayakap at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"You look so frustrated." Nagaalalang wika ni Joanna, pinagmasdan ko siya hindi pa din naalis ang benda niya sa ulo. Napatikom ako ng kamao, parang gusto kong bugbugin ng paulit-ulit si Azazel sa nangyaring it okay Joanna. Mas tumitindi ang galit ko sa kanya sa tuwing nakikita ko ang mga sinapit ng kaibigan ko ng dahil sa paghihiganti niya.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon