Chapter 3: Older Brother

17.5K 624 8
                                    

Ansherina's POV

"Di kapa matutulog?" Tanong ni kuya sakin habang nasa may pintuan ng aking kuwarto. Ugh bakit ba nakalimutan kong isara ang pintuan ng kuwarto ko?

"Hindi pa." Tipid na sagot ko at humarap muli sa cellphone ko.

"Okay." Tipid din niyang sagot sakin at pumasok na sa kanyang kuwarto. Ugh, hindi ako makatulog. May kung anong gumugulo sa isipan ko.

Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog eh. Nagulat nalang ako ng biglang mag-ring 'yong cellphone ko.

From: Unknown

Punta ka sa tapat ng bahay niyo.

Halos magsitaasan ang balahibo ko sa aking nabasa. Jusko, baka naman sindikato ito o kaya naman ay magnanakaw.

To: Unknown

Who you?

Text ko sakanya. Shit naman oh. Nakakatakot.

Bigla na naman nag-ring 'yong phone ko.

From: Unknown

Just go with the flow. I'm not a bad person. Tsk.

Luh. Mukhang masungit ah. Hindi naman daw siya masamang tao kaya pupunta nalang ako. Dumaan ako sa may kitchen para kumuha ng kutsilyo malay niyo nagsisinungaling lang pala siya.

Dahan dahan akong pumunta sa tapat ng gate namin pero wala namang tao.

ANO 'YON PRANK?!

Tang*na may nalalaman pa siyang go with the flow. Litsi. Pinagloloko lan--

Nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Quiet." Bulong nito sakin. Ano ba?! Sino ba 'to?

"Oy. Sino ka ba?" Pagsusungit ko sakanya habang inaalis ko ang kanyang kamay na naka-yakap sa baywang ko. Pero dahil malakas siya sakin 'di ko 'yon naalis.

"Wala kapa din talagang pinagbago, ikaw parin talaga ang nicole na nakilala ko." Bulong nito. Pero 'yong tinawag niya ako sa pangalang nicole? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iisang tao lang naman ang tumatawag sakin ng nicole eh. Pero malayong maging siya 'yong tao na 'yon.

"S-sino kaba talaga?"

"I'm back lil' sis." Bulong nito sakin at inalis ang kanyang hood.

"Waaaaaaa!!!! Kuya Andrei!!! I miss you!!!!"
Sigaw ko at nagtatalon. Siya 'yong older brother ko. Mas matanda siya kay kuya nathaniel.

"I miss you too, nicole. Ang sungit mo talaga wala ka pa din pinagbago." Naka-ngising sabi nito. Tumawa nalang ako niyakap ang aking pinakamamahal na kuya, EVER.

"Bye the way, nasaan si nathaniel? If i'm not mistaken magkaaway pa din kayo noh?" Natatawang tanong ni kuya.

"Oo naman kuya walang pinagbago." Proud na sagot ko.

"Hays. It's been how many years, nicole. Bago magsimula ang away na 'yan." Sabi ni kuya at napabuntong hininga nalang.

Ngumiti nalang ako ng pilit at inaya ko si kuya na mag-pahinga na at para makatakas narin sa usapan na 'yon.

"Kuya, alam na nila dad at mom na nandito kana?" Tanong ko.

"Nope. Gusto ko silang i-sorpresa. Will you keep it a secret lil' sis?"

"Oo naman kuya."

Nagulat kami ni kuya ng may narinig kaming bumukas ng pintuan mula sa itaas.

"Ansherina, anong kaingayan 'yan ah? Ka-buwiset. Natutulog na ako tapos sisigaw ka ng napakalakas? Ano ka? Papansin? Kung nagpapapansin ka huwag dito, doon ka sa daan magpapansin at pabayaan mo silang pagtawanan ka, kung pagtawanan ka man nila lalong mas maganda kase naman dakila kang papansin, kayo ng mga kaibigan mo at lalong-lalo na 'yong ella na 'yon." Pagsosona ni kuya este pagsesermon ni kuya nathaniel, dumiretso siya sa may ref at uminom bg tubig. Hindi ba niya napansin si kuya andrei na katabi ko?

"Masyado pang konti 'yon para sa sona mo, wala na bang ihahaba pa?" Natatawang tanong ni kuya andrei. Napatigil naman sa pag-inom si kuya nathaniel.

"Huwag mo ngang ibahin 'yang boses mo ansherina. Papansin ka talaga." Sabi nito.

"Nathan." Seryosong sabi ni kuya andrei.

"Hoy ansherina, huwag mo akong matawag-tawag na nathan diya dahil si kuya andrei lang ang pwedeng tumawag sakin sa nickname ko na 'yon." Jusko. Ang hirap naman pakiusapan ni kuya.

Nagulat nalang ako ng tumayo si kuya andrei sa kinauupuan niya at lumapit kay kuya nathaniel. At hinarap ito sakanya. Nakita ko ang napaka-epic na mukha ni kuya nathaniel. Hahahahaha! 'Yan kase dakdak ng dakdak d muna tumitingin sa likuran.

"K-uya andrei?"

"Wala kayong pinagbagong dalawa, si nicole masungit samantalang ikaw sobrang daldal. " Naka-kunot noong sabi ni kuya.

"Kailangan kong tawagan sina mom at ipaalam na nandito kana--

"Hoy kuya nathaniel, huwag ka na ngang madaldal diyan. Isusurprise nga ni kuya andrei sina mom at dad tapos ikaw naman sasabihin mo sakanila? Anong tawag dun? Edi katangahan. Tsk." Sabat ko sa usapan nila.

"K." Tipid niyang sagot.

"Kuya andrei, tulog na ako. Goodnight." Sabi ko kay kuya andrei at kiniss siya sa cheeks. Me so sweet.

Umakyat na ako sa taas para matulog. Hays.

Today, i'm the winner between my brother and I.


--

New strory published, 'TIL DEATH DO US PART by CherryBerry016.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon