Chapter 32: Flashback

10.6K 324 46
                                    

Nathaniel's Point of View

-Flashback 2 years ago-

"T*ng*na pare, sumama kana kasi! Ang arte mo g*go." Sigaw ko kay Ken na kanina pa nagiinarte sa akin. Kesyo ayaw niya daw sumama dahil hindi sasama si Ella, masyadong ng adik kay Ella eh.

"A-yo-ko." Sabi nito at umiiling-iling pa.

"G*go, bahala ka!" Sigaw ko at hindi na siya pinansin, napaka adik talaga kay Ella. 

"Kuyaaaa!" 

Lahat kami ay tumingin sa sumigaw, si Ansherin at lukso-lukso ito habang papasok sa kuwarto ko. Tumabi ito sa akin at mabilis akong niyakap. Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Pfft. May kailangan ka sa akin noh?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sa akin, at tila gulat na gulat.

"Paano mo nalaman Kuya? Waaahhh! Don't tell me manghuhula ka na? Omg." Nagtakip pa ito ng bibig pagkatapos niyang magsalita, haha. Napaka childish talaga ng kapatid ko na 'to. Buti  nga at medyo nabawasan ng maging boyfriend niya si Travis.

"Haha, kapatid kita at bata ka pa lang ay kilala na kita tss."

Bigla naman siyang natigilan at pinagmasdan ako.

"Alam ko. Nagkaroon ba ako ng amnesia para hindi ko matandaan na bata pa lang ako ay kilala mo na ako? Omygash! That's craz-"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Ansherina ng biglang sumabat si Ken.

"Akala ko pa naman nagbago kana, Ansherina. Pfft, tanga ka pa din pala hahaha!" Wika ni Ken at tawa ng tawa. Muli kong tinignan si Ansherina, naka pout siya at tila nagmamakaawa sa akin na pagsabihan ko si Ken hahaha. Ang cute talaga ng kapatid ko.

"G*GO! TIGILAN MO KAPATID KO!" Sigaw ko at binatukan si Ken, si Ansherina naman ay tuwang tuwa at pumalakpak pa habang ginagawa ko 'yun.

"Yey! Thank you Kuya hehehe. I love you!" Sabi niya at niyakap pa ako. Tinignan ko naman si Ken at tila diring diri sa sinabi ni Ansherina.

"Haha yeah, I love you most."

"What the hell? Eww." Tinignan ko ng masama si Ken, ang epal eh.

"WAAAHHH! SASAMA NA DAW SI ELLA SA KOREA!" Tinignan ko si Ansherina. Nakatingin ito sa cellphone niya at tuwang tuwa.

Nabaling ang tingin ko kay Ken, may mga ngiti sa labi niya.

"Oh pare, sasama siya. Paano niyan diba hindi ka sasama?" Nakakalokong tanong ko sa kanya.

"Ha-ha-ha joki joki lang 'yun, pare! Ge, una na ako magiimpake pa pala ako pfft." Sagot niya at nagmadaling lumabas ng kuwarto ko. Aba'y gago!

"Kuya, bakla ba si Ken?" Nagtatakang tanong ni Ansherina. Muntik na akong maubo sa sinabi niya.

"Ngayon mo lang napansin? Hahaha matagal ng bakla 'yun." Sagot ko.

Tumango-tango naman siya.

"Ah, kaya pala..." Wila nito at lumabas na din ng kuwarto ko habang nakatulala. Pfft, lumutang na naman siguro ang utak ng kapatid ko.

Hindi ko tuloy natanong kung anong kailangan niya.

**

Travis' Point of View

"Ano na dude? Takte. Ako ang kinakabahan sa'yo eh." Sabi ni Dexter na nakatayo dito sa tabi ko at halata sa mukha niya ang hindi mapakali.

"Ul*l, ako nga itong magso-sorpresa tapos ikaw ang kinakabahan?"

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon