Chapter 7: Pabebe

14.4K 529 6
                                    

Ansherina's POV

"Huhuhu. Ang sama niya! Ang sama sama niya talaga! I hate you nathaniel!" Naiiyak na sigaw ni mikaella. Jusko talagang pagsasabihan ko ang napakagaling kong kuya pagkauwi ko sa bahay. Paano ba naman ay binigyan ng hot sauce ang burger ni mikaella.

"Ako na bahala kay kuya. Papaluin ko siya ng isang milyon beses para sayo." Sabi ko sakanya at inabutan ko siya ng inumin. Kung hindi ba naman kasi siya baliw ay maniniwala siya kay kuya nathaniel na hindi hot sauce 'yong binigay -_-///

"Isang milyon? Wow ah. Kaya mo 'yon?" Naka-ngising sabi niya. Sus. Nambabara na naman ang gaga.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang good vibes? Malamang niloloko lang kita diba? Para naman magood vibes ka kahit konti lang. Tss."

"Sa tingin mo magu-good vibes ako? Mas lalo nga akong nainis eh."

"Sus. Bahala ka nga diyan. Baka hinahanap na ako sa bahay. Ge bye na!" Sabi ko at tumayo na sa may sofa ng bahay nila. Ugali ko kasing mag house to house nakakainip naman kasi doon sa bahay namin at halong nakakaasar narin. Palagi kong kasama si kuya nathaniel habang si kuya andrei naman ay palaging nasa office kaya wala kaming masyadong bonding.

"Sige. Ingat."

Naglakad na ako papuntang bahay namin. Hindi naman kasi gaanong malayo kaya lalakarin ko nalang. Nasa iisang village lang kami kaya mas madaling makipag-communicate kami sa isa't isa.

Halos ten minutes lang akong naglalakad bago ako makarating sa bahay. Humanda talaga sakin si kuya nathaniel, masyadong bad boy ang loko. Ugh.

Pumasok na ako sa loob at halos magulat ako sa nakita ko.

O to the M to the G!

"ATEEEE PRETTYYYYYYYY!!" Sigaw ko dun sa babaeng naka-upo sa may sofa at nagulat din siya ng makita ako. Tumakbo ako papunta sakanya at pinagkikiss siya. Super duper ganda talaga niya!!

"You're a lady now, ansherina. I miss you so much." Sabi nito sakin at niyakap ako. OMG! Ang ganda ganda talaga niya! No wonder na na-inlove sakanya si kuya nathaniel.

"Thank you ate pretty. Buti at bumalik kana dito sa pilipinas, alam mo ba miss na miss kana ni kuya nathaniel!"

"Hahaha, talaga lang ah? Mukhang hindi naman eh. Ang sungit niya nga sakin kanina. May ibang napupusuan na ba siya?" Malungkot na pagkakasabi ni ate pretty. Her real name is Shania.

(A/N: Shania, pronounce as shenaya)

"Wala kaya! Siguro wala lang talaga sa mood si kuya kaya ganun siya. Pabayaan mo kakausapin ko siy-- i mean papakiusapin ko na lang siya kay kuya andrei." Sabi ko. May sasabihin din pala ako kaya kuya kaya sasabihin ko nalang kay kuya andrei na siya nalang magsasabi kay kuya nathaniel.

"Wait, you mean nandito na si andrei?" Nagtatakang tanong ni ate. I nodded. Hindi niya tinatawag na kuya si kuya andrei dahil halos magkasing age lang sila. Matanda ng 2 years si ate shania kay kuya nathaniel pero hindi naging dahilan 'yon para ihadlang ang kanilang pagmanahalan.

"Ansherina, umakyat kana sa kuwarto mo. Mag-uusap pa kami ni shania." Rinig kong sabi ni kuya nathaniel.

"Akyat na ako ate shania, kailangan ko pa kasing gawin 'yong research paper ko. Bye. Labyu!" Sabi ko at tumakbo na pataas ng bigla akong harangin ni kuya at nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Huwag kang pabebe." Sabi nito at bumaba. Natigilan ako sa pag-akyat ng hagdan. Wtf. For his information hindi ako PABEBE!

Biglang umusok 'yong tainga ko sa sinabi ni kuya. What the hell? Ako pabebe? Fvck. Baka siya at hindi ako.

Pumunta nalang ako sa kuwarto ko at kinuha 'yong ipad ko. Mag-post nga ako ng status.

Ansherina David

Ako pa talaga 'yong pabebe?

with- Nathaniel David

Pinindot ko na 'yong post at tinag ko 'yo kay kuya. Maya-maya may bigla akong notification.

Joaquin De Leon commented on your status...

Aba't biglang nag-comment si joaquin bungisngis? Matingin nga.

Joaquin De Leon: Pabebe ka naman eh.

Ansherina David: Ako pabebe? Baka ikaw? Kayong dalawa ng kuya ko!

Joaquin De Leon: Bakit pati ako dinamay mo? Patayin kita diyan eh!

Ansherina David: Don't say it, just do it!

Mikaella Ramos: Ayiie! Baka ma-develope pa kayo niyan. Enemies to Lovers ang peg niyo noh? Taray!

Aba't biglang nagcomment ang bruhang 'to?

Ansherina David: Huwag kang mang-asar diyan! Papalamunin kita ng sandamakmak na hot sauce!

Mikaella Ramos: Edi wow Joasherina! Yiie!

Joaquin De Leon: Manahimik ka nga mikaella! Baka mapatay kita diyan!

Siguro kung hindi lang masamang pumatay ng tao siguro marami ng napatay si joaquin noh?

To be continue...

--

New strory released, MARRYING THE PRINCE OF ATLANTIS by CherryBerry016.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon