Chapter 28: Natnat

10.5K 386 14
                                    

Ansherina's Point of View

"Hoy babae, sigurado ka ba na wala kang balak umuwi sa bahay niyo? Baka hinahanap ka na ng kuya mo." Asar na tanong sa akin ni Joaquin, tinignan ko siya ng masama. Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng salitang dalawang linggo? Aish.

"Sabi ko naman sa'yo na dalawang linggo ako dito sa bahay niyo. Huwag ka ngang dumakdak diyan, nakakairita." Inirapan ko siya at tumingin muli sa laptop ko.

"Tss. Baka kung ano pang isipin ni mommy sa atin, alam mo naman 'yun." Sabi nito at napasabunot na lang, hahaha. Grabe naman siya! Nakakatawang panoorin.

"Hindi ah, baka ikaw lang ang nagiisip ng kung ano-ano!" Sigaw ko.

"Tss. Hindi noh, asa ka naman. Bakit? Chixx kaba?" Nakangising tanong niya sa akin. Nakakaasar talaga kapag ngumingisi siya, parang siyang ewan na bakla.

"Palibhasa playboy." Bulong ko at tinuon na lang ang pansin ko sa laptop. Nanonood kasi ako ng We Got married, mas nakakakilig kasi ito kesa sa mga K-dramas haha. Lalo na 'yung kina Taemin at Naeun, halos mabaliw ako sa sobrang kilig.

"Hindi ako playboy babae, si Ken ang playboy hindi ako."

"Naku! Dinamay mo pa 'yung nanahimi-- OMGGG HUHUHUHU SARANGHAEYO DAW KYAHHHHH!" 

"What the! Napano ka?!" Inis na sigaw ni Joaquin sa akin at tinapon sa mukha ko ang isang unan.

"TAKTE HUHUHU! SI NAEUN KASI EH! SARANGHAEYO DAW SABI NIYA KAY TAEMIN HUHU NAGSESELOS AKO!"

"Pfft! Nagseselos ka? Eh bakla naman 'yung Taemin hahaha!" Biglang umusok ang tainga ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Si Taemin bakla? Baka ikaw! Walang hiya ka! Lumayas ka nga dito! Wala kang karapatan sabihan ng bakla ang asawa ko!" Sigaw ko. Binato ko lahat ng unan papunta sa kanya. Huhuhu! Si Taemin bakla? Potek nakaka higblood pakinggan 'yon ah.

"Pfft. Asawa mo mukha mo." Ani 'to habang palabas ng kuwarto niya habang nakahawak sa tiyan habang tawa ng tawa. 

Nakakainis talaga ang baklang 'yun.

**

Mikaella's Point of View

"Tulungan ni kita Ella." Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Ken sa harapan ko at kinuha ang bitbit kong maleta.

"H-ha? Hindi na. Si Andrea na lang 'yung tulungan mo." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at naglakad na papasok ng eroplano habang bitbit ang maleta ko. Napakibit balikat na lang ako naglakad na din papasok.

"Anyare kay Ken? Haha." Tanong sa akin ni Joanna ng makaupo ako sa tabi niya.

"Ewan ko dun sa lalakeng 'yun haha! Ang weird."

"Nagaway siguro sila ni Andrea."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Joanna at tinignan si Andrea na si Nathaniel ang katabi ngayon. Ewan ko pero bakit bigla na lang may kumirot ng kung ano sa dibdib ko, tss. My stupid heart again, nagseselos na naman.

"Sino tinitignan mo? Si Andrea o si Nathaniel?" Nakangising tanong sa akin ni Joanna. Inirapan ko siya at sinuot ang headset ko.

"Ewan ko sa'yo, Joanna." Sabi ko at pumikit na lang. Naramdaman ko kasing gumana na 'yung eroplano.

Sa wakas, babalik na kami sa pinas

**

Palabas pa lang kami ng eroplano ay ramdam na ramdam ko na ang init dito sa Pilipinas. Pero infairness, namiss ko ang Philippines! Hahaha.

Dumiretso kami sa Parking lot, at agad na bumungad sa amin sina Joaquin at Ansherina na naghaharutan sa harapan ng kotse. Hindi pa ata nila nakita na nandito na kami sa harapan nila kaya hindi pa sila lumingon.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon