Chapter 18 : Shane

Start from the beginning
                                    

"Ako na po ang bahala sa mga gastusin namin dito. I know my priorities and responsibilities. Kung ano po ang sitwasyon ko ngayon, panindigan ko po. As a husband, I must provide everything my family will need."

Ano bang pinagsasasabi ni Gian? Family family ka dyan. Pinapanood ko lang silang mag-usap.

"Please dont get me wrong, pero sa tingin mo ba sapat ang kinikita mo sa pagtugtog mo? Gian, ako ang nagtulak sa inyong dalawa sa sitwasyong ito kaya sa tingin ko dapat ko kayong suportahan."

"Thannk you po Lolo, pero ayoko naman pong sabihin ng ibang tao na mag-aasa-asawa ako tapos hindi ko naman pala kayang panindigan. Mas mabuti na po siguro kung ganito."

Napangiti si Lolo. "I'm so proud of you Gian. Natutuwa ako sa prinsipyo mo but always remember na nandito lang ako if you need anything."

Pagkatapos kumain ay ako ang nagligpit. Si lolo at si Gian nasa sala, nag-uusap. Pagkatapos ko sa ginagawa ko, nagpunta din ako dun. Tinawag kasi ako ni Lolo.

"Shane, nabanggit ba sayo ni Gian that I'll be staying here?"

"Po??" nagulat ako. Matagal ba?? Pero maliit naman ang bag na dala ni Lolo. Hindi kaya nasa kotse ang iba niyang gamit?

"Yes. Tonight."

"Tonight. Tonight lang po?" 

Tumawa si lolo. Ewan ko kung bakit?

"Bakit? Do you want me to stay here for 1 week?"

1 WEEK??!

O.O

Gian! Help naman. Dont let your lolo stay here for a week. Ang sama ko ba? Eh bahay naman nya to. Eh kasi naman.

"Hahaha. Nagbibiro lang ako. Ayoko namang makaistorbo sa inyo. Saan na nga pala ang gusto nyong honeymoon? Hindi pa kayo nakakapag honeymoon diba?"

*.*

"Oo nga Wifey, saan mo ba gusto?" tanong ni Gian.

Ang sweet naman ni Gian. If I know pakitang tao nya lang yan kasi andyan ang lolo nya. Tumayo pa siya at tumabi saken.

Kailangan ba talaga na magpanggap na sweet kami? Wala namang usapang ganun ah?

"Si Wifey na po ang bahala. Kung saan nya po gusto." Habang nakaupo kami. Medyo nakayakap pa siya saken. Naku, kung wala lang dito ang lolo niya nahampas ko na to!

Sobra naman kung makangiti si Lolo. "Nakakatuwa talaga kayong tingnan."

Tumingin ako kay Gian and he gave me a sumakay-ka-na-lang-look.

Pagtingin ko kay lolo, nakangiti na din ako. "Hahaha. Sige po lo, paguusapan na lang po namin ni Hubby yan."

O.O

He just kissed me on my cheeks. Teka, sumosobra na to ah! Pero syempre nakangiti pa din ako habang nagulat.

"O pano, matutulog na ako. Lumalalim na ang gabi" sabi ni lolo tapos hinatid na siya ni Gian sa kwarto nya.

Nauna na ako sa Master's Bedroom. Pagpasok ni Gian binato ko siya ng unan. Pero ang bilis, nakailag.

"O Wifey, bakit ka nambabato?"

"Wifey your face! Bakit ka nanghahalik?! Wala kang karapatang halikan ako!"

"If I know, gusto mo din naman."

>.<

Binato ko ulit siya ng unan.

"How many times will I tell you na hindi kita type?!"

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now