PuTakte

9.4K 360 62
                                    

Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters.

"Bumangon ka naman kasi diyan!" Galit kong sigaw kay Cen pero tinawanan lang ako ng gago



"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Dont tell me naglilihi ka agad? Hahaha may laman na ba? Nagka-himala na ba mahal? Magiging tatay na ba ako?" Maloko nitong sagot kaya binato ko kaagad siya ng unan.



"Mamatay ka..hindi tatay. Isa pa Cen" asar kong sabi dito



"Ito naman ang init ng ulo, gusto mo isa pa tayong round?" Nakangisi nitong tanong



"Tangina ka! Ang baboy ng bunganga mo! Tumayo ko na diyan bilis na, magliligpit pa tayo ng mga gamit! Puro ka kasi kamanyakan eh!" Irita kong sabi dito




Anim na buwan, oo anim na buwan na mula ng magkabalikan kami ni Cen. Anim na buwan mula ng muli kaming magkita ay heto na kami ngayon at titira na sa iisang bubong. Though hindi pa kami kasal, kasi medyo mahaba pang proseso ang kailangan naming bunuin papunta ng ibang bansa, ay pinayagan na naman kami ni Kuya Jawo na tumira na nga sa iisang bahay.  Kumuha kami ng isang condo unit ni Cen malapit lang sa dati naming bahay na magkahati naming hinuhulugan.




Ang bilis din talaga ng panahon, akalain mo yun kami pa rin pala ng kulogong ito. Akala ko hindi na niya ako mapapatawad o mahihintay pero dahil nga dakila akong NEGA, eh nagkamali na naman ako. Siguro nagkataon lang na nagkasundo ang lahat ng mga bituin sa universe na kami talaga ni Cen ang para sa isat-isa, na kahit ano pang mangyari sa isat-isa pa rin kami babagsak.



"Grabe ang bunganga naman ng misis ko. Wag ganyan pag nagka-anak na tayo ha, baka ipaglihi yun sa kabadtripan mo" malokong pang-aasar sa akin ni Cen na sinimangutan ko na naman.




Alam ko alam ko na kauumpisa pa lang ng chapter ay mukhang badtrip na ako, pero tangina kasi nitong si Cen eh, kakalipat pa lang ng mga gamit namin, literal na magugulo pa ang lahat..ay inuna pa akong yayain magsex. Eh ano kasi eh...ano..gusto ko rin so yun nagsex muna kami.. tangina ang landi ko din kasi eh.




"Tumigil ka Cen! Masusuntok na kitang ulol ka eh. Magbihis ka na nga diyan ! Dami pang iimisin eh!" Yamot ko ulit ditong utos kaya tumayo na si gago habang nakabuyangyang yung walang saplot niyang katawan.




"Magbihis ka nga! Para ka namang gago eh!" Utos ko ulit dito




"Bihis bihis, di na yun uso dito saka asawa na kita, kasal na lang kulang pero technically asawa na kita. Saka nakita mo na naman to eh,nahawakan mo na din and syempre ang pinakamahalaga..natikman mo na din" tumatawa nitong sabi kaya kaagad ko siyang binato ng hawak kong dustpan.




"Libog mo ulol! Susumbong kita kay Kuya Jawo talaga!" Namumula kong sabi dito. Tangina lakas ko maka-virgin dito eh, kasi alam naman nating lahat na sa aming dalawa ako ang bottom, noong una ayaw ko pero tangina kasi nito eh.. pinilit ako hahahaha landi ko gago!




"Woy woy! Hindi na uubra yang mga sumbong-sumbong. Yung dalawa mong Kuya nasa ibang-bansa na. Ako na lang ang maasahan mo dito at syempre ako na lang ang magmamahal sayo dito. Kaya patahimikin mo na ang mga yun, for sure tigang na din mga yun kakaalaga sayo hahahaha" sabi nito sabay kindat.




Yes bumalik din si Kuya Jawo sa Dubai after one month dahil masaya niya ding ibinalita na may girlfriend na siya doon, si Kuya Benjie naman ay kalilipad lang last month papuntang Canada kung saan hinihintay na di siya ng fiancé niya. Tangina ayaw patalo ng mga kuya ko, lumalovelife na din ang mga gago.




Si Lindsy naman? Ayun working pa rin and on her way up dahil candidate na naman for promotion si gaga nakakalungkot nga lang dahil hindi natuloy ang lovestory ng boyfriend niyang briton...ngayon ko napatunayan na siya talaga ang perfect example ng strong,independent woman.





Habang si Aya naman? Ang bago kong kaibigan? Ayun syempre naginarte pa nung umalis ako sa Palawan pero sinabi niya din naman na masaya siyang makita akong maligayang aalis sa Palawan, well nangako din naman akong bibisita sa kanya doon pag nagaaway ulit kami ni Cen hahahaha syempre matic yun.




Ayun si Hansel naman, prof pa rin ang kulugong yun na muntik nang bugbugin ni Cen pagkarating namin galing Palawan dahil nangasar pa na babawiin na lang daw niya ako sa unggoy na to dahil bobo daw mag-alaga si Cen..syempre asar talo sisi ulol .. tangina lang eh ang ganda ko sa part na yun.


"Kilos na Cen! Kakaltukan talaga kita. Kailangan ka bukas ng maaga sa talyer ha, saka may meeting ka pa doon sa gusto makipag-partner sayo para sa gagawing auto-shop sa Makati." Bilin ko dito habang inaayos ko yung mga gamit namin sa cabinet.



Pero si gago niyakap lang ako.



"Salamat ha..." bulong nito





"Ano na naman yan Cen, tumigil ka na pagod na ako. Takte ka sakit pa nga ng pwet ko eh" sabi ko dito na ikinatawa ni kulogo habang nakayakap pa rin sa akin.





"Sabi ko Salamat..." sabi pa ulit nito na dahilan para harapin ko na ito habang nakayakap pa rin siya sa akin



"Drama ng asawa ko ha" sabi ko dito bago ako nito halikan.





"Ive never been this happy and contented Onse. Kung alam ko lang na ikaw lang ang magbibigay sa akin ng ganitong kasiyahan, matagal na sana kitang niligawan" masuyo nitong sabi habang magkadikit ang mga noo namin.




"I just want you to know at paulit-ulit kong sasabihin na mahal na mahal kita" dagdag pa nito na ikinangiti ko





"Alam ko at habambuhay kong ipagpapasalamat sa diyos..na sa inyo ako bumili ng red horse noong gabing una tayong magkita. You're more than enough Cen. Kahit pa puro tayo murahan,asaran o sigawan do know na ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita Vincent" sabi ko dito bago kami muling magyakapan.





Our story was never perfect. Actually at some points hindi talaga ito maituturing na love story dahil it was more a story of ourselves and our journey towards finding each other. Pagkatapos ng lahat ng nangyari na halos lahat I admit ay kasalanan ko I can say na sobrang swerte ko ko kay Cen. Maybe God will not just give you someone na makakasama mo sa habambuhay but also someone who'll help you grow as a person.

Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now