TMK 3

8.3K 363 41
                                    




Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang nagbabasa. Patnubay char lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to.


"Saglit lang pre, wag mo namang angasan ang kapatid ko" awat ni Kuya Benjie na mukhang naguguluhan sa sagutan namin ni Hambog.


"Takte pre?! Utol mo pala yan?!"gulat nitong sabi.


Parang gago naman to. Ang OA ng reaction,akala mo naman natuklasan niya ang secret herbs and spices ng KFC chicken. Pero hindi niya ba alam na kahit gaano pa kasecret ang mga ingredients na yun ay wala pa ring tatalo sa crispilicious and juicilicious na chicken joy!


"Oo bakit may problema ka? Sa NSO ka magreklamo kung meron" Maangas ko ding tanong dito sabay aktong susugod nang biglang iharang ni Kuya Benjie yung kamay niya sa mukha ko.



Isa pa ito ginagawang spalding ang mukha ko. Ang baho baho naman ng kamay. Pag ako nagkatigyawat dito! Naubos pa naman ang stock ng eskinol ko kanina!



"Wag ka ngang magulo diyan Onse, kakaltukan kita eh! Makipagkilala ka nga ng maayos" sita nito sa akin na pinandilatan ko naman ng mata.



"Bakit naman ako makikipagkilala diyan?! Hindi mo ba alam na yan ang dahilan kung bakit nalate ako kanina...saka ikaw din kasi first time mong maligo kanina. Mga punyeta kayo ng buhay ko eh!" yamot kong singhal dito

"Yan na! Nagagalit na si Pareng Onse"

"Mageevolve na yan!!"

"Yari kayo!! Hahaha"

Nang-aasar na komento at gatong ng mga kaibigan ni Kuya Benjie na katulad niya ay parang nga walking sketchpad din! Ano to nasa art gallery ba ako?



Pero sandali!! Kung hindi dahil sa lalaking yan ang linis sana ng record ko for my first week. Kung hindi sana sa kanya eh di sana may chance akong maging employee of the month. Baka sakaling mapromote agad ako! Wala na! Wala na! Takteng yan!



"Hoy Onse ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nalate! Isisisi mo pa sa iba eh! Pareng Cen si Onse nga pala bunsong utol namin. Pasensyahan mo na kung sobrang sungit, kulang kasi to sa buwan eh" pakilala sa akin ni Kuya Benjie habang akbay akbay ako.



"Mukha nga pare. Hahaha Pareng Onse, Cen nga pala" nakangiti nitong pakilala sa akin sabay abot ng kamay



"Oo narinig ko, anong akala mo sa akin bingi? Saka wag mo akong mapare-pare dahil hindi kita kukuning ninong ng mga anak ko! " Sabi ko dito sabay hila na kay Kuya Benjie pabalik ng bahay.



"Pasensya na nga pala sa nangyari kanina! Hahaha kung alam ko lang eh di sana binigay ko na sayo yung tricycle" pahabol pa nito kaya napatingin naman ako sa kanya



"Ulul! Wala ng magagawa pasensiya mo. Saka hindi sayo yung tricycle na yun kay Mang Ambo yun gago!" Yamot kong sabi dito



"Tsk tsk bunsoy naman ang sungit mo talaga. Baka naman naiinsecure ka lang kay Pareng Cen dahil pogi at magaling pang magbasketball" asar sa akin ni Kuya Benjie




"Baka ikaw ang insecure , di ba ikaw ang self proclaimed best player dito sa barangay na to?" Balik na sabi ko dito




Hindi naman talaga ako masungit e, okay medyo pala.. lalo na kung sa unang pagkikita pa lang natin ay hindi na naging maganda ang impression ko sayo. Pwede ko siguro ilarawan ang ugali ko na mas pilosopo at sarcastic kesa masungit pero mabait din naman ako at masunurin, alam niyo yan wag kayong ano! Saka kasalanan naman talaga ng mga tao sa paligid ko kung bakit ganito ako eh kung baga triggered lang ako lagi.




Takte Mahal KitaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt