Takteng Takte Part 2

5.9K 263 46
                                    


Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters.

Kamusta guys? We're up to the last chapter of this story. Sorry if medyo natagalan bago matapos but still tinapos ko pa rin siya. If ano pa ang mangyayari sa story nila? Iwan na natin sa dalawang bida yun or even sa imagination niyo.

At this point gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nagbabasa ng stories ko,sa mga nagvovote at lalo na sa mga nagcocomment. Hindi man ako regular na naguupdate thank you pa rin sa mga naging avid readers nitong lakas tamang story na ito. Salamat guys!!



1 Year After




Cen's POV



Oo takte! Isang taon na ang lumipas at hindi pa ulit nagpapakita o kahit nagparamdam man lang si Onse. Halos puntahan ko na lahat nang dapat puntahan para lang makita siya pero wala eh, gusto ko mang suyurin buong Pinas pero alam kong malabo. Halos mabaliw na din ako kakaisip sa kanya, tangina talaga walang gabi na hindi ako umiiyak dahil aaminin ko na nawawalan na din ako ng pag-asa na magpakita pa siya sa aking muli. Minsan nga napapaisip ako na baka karma na sa akin to dahil sa daming babaeng nasaktan o napaasa ko noon,na baka pinagbabayad na ako sa mga kasalanan ko.



Ang dami nang nagbago sa loob ng isang taon katulad na lang nang panganganak ni Kara na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili sa nangyari sa amin ni Onse. Si Kuya Benjie naman ay nakatakdang nang umalis papunta sa ibang bansa.




Ang totoo niyan ilang ulit na din akong nakiusap kay Kuya Jawo para sabihin sa akin kung nasaan si Onse, sa amin kasi kay Kuya Jawo niya lang sinabi kung nasaan siya. Pero katulad ng inaasahan ay pinayuhan niya muna akong bigyan ng oras si Onse. Ilang beses ko mang idistract ang sarili ko para hindi maalala si Onse ay wala akong magawa dahil tangina siya lagi laman ng utak ko eh.




"Yan hahaha tsktsk babaero eh" pagpaparinig ni Hansel habang nakatambay kami ng mga tropa sa harap ng tindahan namin.




"Whooooooo" pangaasar pa ng mga tropa ko





"Eh kung bugbugin kita diyan? Tangina mo ha" yamot kong sabi dito na tinawanan lang nito. Yan na din kasi ang naging asar nilang sa akin sa nakalipas na ilang mga buwan.




"Tangina kung ako lang pinili ni Onse, hindi yun iiyak o magtatago nang ganyan. Mukhang nagkamali ng pili si Onse eh" pangaasar pa ni Hansel na ikinabadtrip ko na. Tangina tigas ng mukha nito ni hindi nga siya pinayagang manligaw ni Onse eh!





"Kung ikaw pinili ni Onse baka bangkay ka na ngayon, kasi siguradong pinatay na kita" gigil na banat ko dito na tinawanan lang ng mga tropa.




"Tama na nga yan. Pareng Cen kunting hintay lang, okay naman daw si Onse ngayon eh baka nagiinarte lang yun" pigil ni Pareng Benjie sa amin na ikinatahimik ko na lang bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.






Tangina lang kasi eh! Hanggang kailan ba ako maghihintay? Nasasaktan din ako Onse. Ang hirap mangulila sa taong mahal na mahal mo, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin? At itong paghihintay ko? Ito yung pinakamasakit sa lahat eh.




"Alam ko pre na sobrang sakit na sayo" sabi ni Pareng Benjie na sumunod pala sa akin sa loob ng bahay.




"Pre handa naman akong maghintay e..kaso nasakit lang talaga pre" maluha-luha kong sabi dito dahilan para tapikin nito ang balikat ko.





Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now