TMK 22

4.9K 238 17
                                    


Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..




1 Year Later



"Onse bumangon ka na! Late ka na namang hayop ka!" sigaw ni Kuya Jawo mula sa labas ng kwarto ko. Dahil ayoko na namang batukan ay parang zombie na akong bumangon para makaligo. Takte bakit kaya ang hihilig sumigaw nang mga kasama ko sa bahay? Akala mo laging may sunog eh!



"Hanep ka Onse! Hindi na ako magugulat kung tatanggalin ka na lang bigla sa trabaho dahil sa tardiness mo! Umayos ka nga! Tanda tanda mo na napaka-pasaway mo pa rin! Partida pa yan ha, magkalayo kayo ni Cen pero lagi ka nang pinupuyat paano pa kaya pag magkasama na kayo? Tsk ewan ko ba sa inyo!" Sermon nito sa akin kaya tumalikod na lang ako para gayahin ito sa pagsasalita. Ang aga-aga may pamisa agad




"Kuya oh! Ginagago ka ni Onse! Tsk tsk" sumbong ni Kuya Benjie kaya kaagad na akong pumasok ng kubeta dahil sure na isang pamilya ng batok na naman ang ibibigay sa akin ni Kuya Jawo. Mabuti na lang talaga at hindi pa lumulubog ang bunbunan ko.




Sa nakalipas na isang taon mula nang umalis si Cen papuntang America ay lagi din akong puyat. Syempre gumagawa kami ng ways para maging updated sa nangyayari sa buhay ng isat-isa. Lagi kasi kaming magkavideo-call ni gago dahil request niya din. Takte kasi eh! Bakit ba magkaiba ang timezone ng America at Pinas?! Hindi ba pwedeng ilipat na lang ang Pinas sa tabi ng America?! Puro kasabawan na naman ako.




Naging maayos naman ang buhay ni Cen doon dahil siya na din muna ang namamalakad ng Filipino Store ng Nanay niya doon samantalang yung Nanay niya naman ay kasalukuyang on-going pa rin ang chemotherapy.




"Aalis na ako.Napaka-ingay niyo eh. Nawawala ang peace and serenity sa brain cells ko" paalam ko sa kanila bago ako lumabas ng bahay



"Cells lang Onse...walang brain hahaha" asar ni Kuya Benjie




"Ayus-ayusin mo Onse ha! Ang tanda-tanda mo na napaka-pasaway mo pa rin. Bibigwasan na talaga kita" yamot na sabi ni Kuya Jawo sa akin




"Bigwasan na yan! Bigwasan na yan!" Epal ni Kuya Benjie kaya middle finger ang katapat niya. Sa ngalan ng lahat ng mura sa mundo ito ang sayo.




"Continental Fuck you!!" Sigaw ko kay Kuya Benjie sabay takbo palabas ng bahay.




Takte baka mamaya isipin ni Kuya Jawo siya ang minumura ko? Baka mamayang pag-uwi ko ng bahay nasa kalsada na ang mga damit ko at sa oras na pupulutin ko yun ay itutulak niya sa bandang kanal ng kalsada namin at sabay silang tatawa nang malakas ni Kuya Benjie. Pero maiba tayo gusto ko lang ding sabihin na hindi porket ganun ang tratuhan naming magkakapatid ay wala na akong respeto sa kanila...basta alam lang namin kung kelan kami dapat magbiruan at magseryosohan so yun...#defensive hahaha





Siguro tulog pa ngayon si Cen dahil madaling araw pa sa kanila ngayon. Hay takte! Miss ko na ang gagong yun kahit halos araw araw namang magkatapat ang mukha namin sa cellphone. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon sa plano namin ni Cen na pagsunod ko doon. Takte naman kasi! Mahirap yun dahil maghahanap pa ako ng trabaho doon, magaadjust pa, tapos ang pinaka malaking bagay na kinoconsider ko ay walang red horse doon. Di pwede yun pre! Syempre yung sa seryosong dahilan ayoko namang iwanan sila Kuya Jawo dito. Kami na nga lang tatlo ang magkakasama , maghihiwa-hiwalay pa ba kami?





Takte Mahal KitaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ