TMK 6

7.4K 338 80
                                    





Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.



Two weeks na at hanggang ngayon ay parang gago kaming nagpapanggap ni Cen. Kinausap ko na din siya na wag nang maglalalabas ng bahay dahil baka makita pa siya nila Kuya at kung ano pa ang matanong...bobo pa naman siya sumagot. Binalaan ko din siya na wag ipagkakalat sa iba kung ayaw niyang sungalngalin ko ang bunganga niy. Nalaman na din ni Kuya Benjie ang nangyari at kunwari pa itong concern sa akin na may pagyakap pa ngang nalalaman pero nang umalis si Kuya Jawo ay halos mamatay ako sa kakaasar nito dahil wala na itong ginawa kung hindi tawagin akong "iha".



"Pareng Onse sama ka mamaya ha, gimik tayo. Payday naman eh" yaya sa akin ng isa sa mga katrabaho ko. Coffee break kasi namin ngayon kaya huntahan muna ang inatupag namin dito sa canteen.



"Oo nga para naman maka-bonding ka namin tutal off mo naman bukas kaya sama ka na"dagdag pa ng isa sa katrabaho ko na may edad na pero groovyng groovy pa rin kung pumorma.



"True yan,sama ka na Onse para mas happy" dagdag ni Lindsy



Ano ba yan puro yaya, hindi na tuloy ako nakasagot. Lahat ata gusto magkaroon ng dialogue sa story ko.



"Oo nga sasama ako, di pa nga ako nakakasagot eh. Mema niyo din eh" sagot ko sa mga ito na ikinatawa naman nila.Naubos ang 15 minutes namin kakadaldalan syempre hindi na ako umorder ng pagkain at nan-dupang na lang ako sa kanila,kakasabi nang patikim pero apat na subo naman ang gagawin ko. Tipid tips yan so learn from the expert.



Alas-syete ng gabi at naghahanda na kaming bumaba, hinihintay na lang namin si Lindsy actually , nang may biglang magtext sa akin.



"Pare nasaan ka ba? Hinihintay kita dito sa labas ng opisina niyo?" Sabi sa text



Takte sino ba ito? At ang demanding naman ata sa text. Maka pare pa akala mo naman inaanak ko ang anak niya eh sa pagkakatanda ko ay hindi ako tumatanggap ng alok sa akin na maging ninong.



"Sino ka ba?" Tanong ko



"Ako to babe, si Cen ;)" sagot nito na ikinalaki ng mata ko. Patay! Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito? Gusto pa ata nitong makaltukan ko siya! Ano to extension ng kasinungalingan namin hanggang dito sa trabaho ko?! Ayoko na, tatagal ako nito sa confession room pag nagkataon.



Nagmadali agad ako sa pagbaba dahil mahirap na baka may iba pang makakita sa ungas na yun, magkakandaleche-leche lang ang buhay ko. Hindi nga ako nagkamali dahil nasa lobby ng building si Cen habang may dala-dalang payong dahil maulan pala sa labas.



"Hoy anong ginagawa mo dito?!" Yamot kong bungad dito



"Sungit naman nito,wala man lang bang Hi babe namiss kita, o di naman kaya ay kiss kahit nga yakap okay na eh!" nangaasar na sagot nito sa akin kaya kaagad ko namang sinuntok ang braso nito.



"Eh kung bigwasan kaya kita para mawala yung sungit ko?! Takte ka Cen baka mamaya makahalata yung mga katrabaho ko, kakaltukan ko talaga yang noo mo" bulong ko dito




Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now