TMK 17

6.3K 311 32
                                    

Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..

"Yan tapos na ang misa! Kung hindi mo ko pinagbihis eh di sana naabutan pa natin,kaartehan mo kasi eh!" yamot kong sabi dito nang makapasok kami sa loob ng simbahan



"Kung hindi ka nag shorts eh di sana naabutan natin. Kaya sa susunod makikinig ka sa syota mo. Tigas din ng ulo mo eh! Mangangatwiran ka pa, mali ka naman!" Sermon nito sa akin na tinignan ko na lang ng masama.




Hindi nga namin naabutan ang misa pero siya naman ang naghomily sa akin. Takte pari ba siya? Pero on the other hand (huwow english) narealize ko din na mali pala talaga ako...kasi magsisimba pala kami pero shorts pa ang pinili kong suotin eh bawal nga pala yun. Naconscious tuloy ako sa pwet ko, ganun ba kalaki? Takte baka pagkamalan akong Nikki Minaj nito ha.




"Hindi ka pari wag kang manermon makakaltukan kita eh. Daldal mo eh noh?!pabibo ka" tanging sabi ko dito bago ko tinungo yung isang helera ng bakanteng upuan. Mahigit limang minuto akong nakaluhod para syempre sa personal prayers like pasasalamat sa health, blessings,family...and syenpre kay Cen na din. Oo naman thankful din naman ako sa pagdating ni Cen sa buhay ko kahit pa lagi kong pinipilosopo o inaaway to.



Akala ko ang tagal ko nang nagdasal pero si Cen mahigit 10 minutes nang taimtim na nagdadasal. Naisip ko tuloy na baka akala ni Cen patagalan kami sa pagluhod. Gusto ko na ngang sipain eh dahil baka mamaya nagloloko lang si gago pero nasa simbahan kami at bawal ang manakit...so baka sa labas ng simbahan ko na lang siya sisipain. O di naman kaya baka nakatulog na ang ulul na ito nang hindi niya namamalayan?




"Bakit parang ang tagal mo naman atang nagdasal? Or baka hindi ka naman nagdasal! Naku Cen ha! Napaka-ulol mo talaga" Sabi ko agad dito nang makalabas kami ng simbahan.





"Grabe ka naman Onse. Alam ko gago ako pero hindi ko naman kayang gaguhin ang panginoon. Sadyang natagalan lang ngayon dahil ang dami kong gustong ipagpasalamat sa Kanya. Tsanggala hindi naman ako ganun kabait na tao pero lagi niya akong binibiyayaan" mahaba nitong sagot sa akin




"Wag mo nang kwestyonin ang mga blessing mo ogags ka din eh" sabi ko sa kanya





"Kaya nga. Hindi naman kita kinwestyon di ba? Thankful nga ako dahil dumating ka sa akin atleast kahit papaano nagkaroon nh direksyon ang buhay ko" nakangiti nitong sabi sa akin





"Asus, direksyon lang pala kailangan mo eh di sana compass ang binili mo o di kaya naginstall ka ng waze. Babanat ka pa diyan eh" sagot ko na lang dito para kahit papaano ay maitago ko ang kilig na naramdaman ko sa sinabi niya.



Hindi naman ako manhid para hindi maapektuhan sa mga ginagawa at sinasabi ni Cen. Ayoko lang masyadong ipakita yun dahil kahit papaano iniisip ko pa rin ang sasabihin ng ibang tao sa akin. Oo alam ko na mali! Na hindi ako dapat nagpapaapekto sa iba pero natatakot lang ako na baka madamay sila Kuya Jawo at Benjie sa pinasok naming relasyon ni Cen. Syempre hindi naman ganun kabilis mawawala lahat ng takot ko,realidad to at hindi fairytale kaya hindi yun ganun kabilis mawawala sa isip ko.




Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now