Mas Tinaktehan 5

5.2K 272 57
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!


Weird lang na while writing this chapter ay "Di na kita Mahal" by Silent Sanctuary ang tumugtog. Haha kinabahan tuloy ako sa story nila Onse at Cen pati ako as a writer parang biglang naguluhan sa magiging ending nila. Shit sign na ba yun? Hahaha Napahaba ata ang chapter na ito and ito din ang pinaka-climax ng season 2 so basa-basa lang din. Guys hinay hinay din sa kakasabi ng bitin hahahaha di ko alam if matutuwa ako or mahuhurt...(hindi pa ba enough) hahaha



"Uy Bossing Onse sakto dumating ka na,saktong sakto lang ha" nakangiting salubong sa akin ni Jinggoy



"Magandang hapon Jinggoy..Oo sabi kasi ni Cen ngayon ko na kunin yung sasakyan" sabi ko naman dito




"Ah oo nga boss. Hinabilin na nga sa akin ni Bossing yung oto ninyo kasi may lakad o date ata yun hehe. Alam mo naman chickboy talaga yung bossing ko" tumatawa namang sagot sa akin nito na medyo ikinangiwi ko. Wala pala yung taong ipinunta ko dito. Punyeta naman oh lagi na lang si Jinggoy nadadatnan ko dito na ang bukambibig naman ay mga kalandian ni Cen.



"Boss okay lang ba kayo? Bakit parang lagi kayong natutulala may problema po ba?" Medyo seryosong tanong sa akin ni Jinggoy na agad ko namang ikinailing.



"Hindi...okay naman. May inisip lang hahaha oo nga pala Jinggoy baka hindi ko muna kunin yang sasakyan ha may iba pa kasing mga sira yan eh" sabi ko dito


"Ay ganun ba boss? Sige sabihin niyo lang po ako at akong bahala diyan sa oto ninyo. Busy kasi si bossing Cen ngayon eh." Sagot nito. Ganito pala sa pakiramdam pag parang hindi umaayon yung universe sa mga gusto mong mangyari. Wag namang ganyan universe! Takte hindi ko tuloy maiwasang magmura sa isip...Cen naman eh.



"Ah sige sige balikan ko na lang yan. Kay Cen ko na lang sasabihin yung ibang problema ng sasakyan" sagot ko na lamang dito na medyo ikinakunot ng noo nito



"Boss Onse okay lang po ba kayo? Hindi naman po sa nag-uusisa ako pero parang may nakaraan kayo ng boss ko. Dati po ba kayong magkaibigan? Kaklase?" Pahabol na tanong ni Jinggoy



"Ha? Wala ba siyang nakukwento sa inyo?" Ganting tanong ko dito



"Naku malihim yang si Boss Cen eh. Nang ipatayo niya to ang nakikilala pa lang namin ay yung tiyahin niya na si Aling Ninay na minsan ay dumadalaw dito. Bukod doon wala na kaming alam tungkol sa kanya bukod na lang siguro sa pagpunta ng ilang mga babae dito ja nakasex o may gusto sa kanya hahaha" kwento ni Jinggoy na medyo ikina-curious ko.




"Ibig mo bang sabihin ay wala pang asawa o anak si Cen?" Tanong ko dito




"Asawa? Naku malabo boss, ayaw ni Boss Cen na kinocontrol siya saka sabi niya sa akin minsan ay kalokohan lang daw ang pagmamahal kaya nga ata puro chix lang yan eh hahaha medyo bitter nga ata ang boss ko eh. Pero sa anak? Hindi ko alam eh pero hindi naman imposible kasi ang dami nang natira niyan eh hahaha" natatawa pa nitong sagot sa akin.



"Ah ganun ba hahaha naku malihim talaga yang si Cen. Dati niya nga pala akong kapitbahay." Sabi ko na lang dito




Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now