TMK 10

7.2K 353 100
                                    




Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.



Katulad ng mga tubig sa ilog na patuloy na umaagos ay ganun din dapat ang buhay na ipinagpapatuloy. Oh!! Very deep like the Ocean deep. Pero takte syempre life must go on! Hindi naman sa kanya umiikot ang mundo ko eh, sa axis ito umiikot dahilan kung bakit may araw at gabi. At sa sun naman umiikot ang earth na inaabot ng isang taon at ang tawag dito ay revolution. Very bright ako sa part na yan. Pero on a serious note unti-unti na nga akong nagiging okay sa OPLAN MOVEONKAHITWALANGKAYO project ko. Salamat din sa mga Kuya ko na tumutulong sa akin dahil hindi na rin nila masyadong nababanggit si Cen, kahit alam kong kating-kati na ang dila nito na asarin ako lalo na yang si Kuya Benjie. Todo takip din sila tuwing dumadalaw si Cen dito sa bahay kesho wala ako,nagtatae,may bulutong basta lahat na ng reasons binigay na nila dahil sa kakulitan ni Cen kakapunta dito. Ewan ko ba sa gagong yun baka gusto na namang magyabang sa #perfect niyang girlfriend.



"Oh paano mauuna na ako ha, ingat kayo mukha pa naman kayong mga tatanga-tanga" paalam ko sa mga kasama ko sa trabaho habang nasa lobby kami




"Sige ang puso ingatan ha hahahah tatanga-tanga ka din diyan, bobo actually" natatawang sagot sa akin ni Lindsy na binigyan ko kaagad ng middle finger. Daming alam?! Bakit iniisnatch ba ang puso pag nasa jeep?!



"Ang nguso mo mas ingatan mo,mukha kang bangus" sigaw ko dito na ikinairap nito. Tumatawa-tawa pa ako habang naglalakad nang may bigla na lang humila ng braso ko. Ayun natanggal tuloy! Joke!

Punyeta! Hindi pa payday pero mukhang may manghohold-up na ah. Ang aga naman ata ng karma ko!



"Wala akong pe...." bungad ko sana nang makita ko ang mukha ni Cen na nakasimangot. Hala nagdadrugs na ata si Cen kaya nagkaroon siya ng change of heart at ngayoy nanghohold-up na. Para siyang adik sa itsura niya ngayon na malalim ang mata at medyo nangayayat din.



"Uy pareng Cen" sabi ko na lang dito dahil kahit pa naging kaibigan ko ito ay medyo nakakatakot din ang aura nito. Paano kung kapanalig na pala ito ni Sandrino at ginawa siyang bampira para makatulong siya sa paghahanap kay Malia.



"Anong problema mo sa akin ha? Pinagtataguan mo ba ako? Pare bakit naman ganun?! Sabihin mo nga ano bang problema?!" Seryoso nitong sabi sa akin habang madiin pa rin siyang nakahawak sa braso ko.



"Ha? A...ako? H..hindi ah! Bakit naman kita pagtataguan? Saka bakit ba ang dami mong tanong? Quiz bee ba to?!" Pagsisinungaling ko dito sabay tanggal nang pagkakahawak niya sa akin. Masakit eh! Bumakat oh!



"Tang*na naman pare eh! Anong hindi? Akala mo ba hindi ko napapasin na sa araw araw na pagpunta ko sa inyo,araw araw ding may dahilan mga Kuya mo? Ano ba kasing problem pare,akala ko ba magkaibigan tayo?" Malungkot nitong sabi sa akin habang ako naman ay kanina pa nakamulat ang mata sa gulat at takot.


Kung pwede lang sabihin na "Oo kaibigan mo lang ako! And that all I ever was to you Ned!" Pero takte linya ni Jolina yun kaya wag na. O baka pwede ring "syinota mo ang bestfriend mo eh" kaya lang lakas naman maka Kim Chui nun!


"Uh..... wa walang problema pre... nagf...focus lang ako sa work. Saka hindi naman ako yung nagbibigay ng reasons baka sila Kuya may problema sayo. Si Kuya...Benjie oo yun!!baka may problema yun sayo...bugbugin mo na!" palusot ko dito


Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now