Takteng Takte Part 1

5.1K 239 35
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. I am really trying my best guys na mag-update its just that sobrang hirap maging graduating atudent so sana bare with me.

So this is the first half ng finale chapter natin and for the nth time, I would like to thank you for supporting this super walwal and sabaw story of all time, thank you guys for loving my characters and pagkagat sa plot ko. I hope that you guys will also support my other published stories!!!!


Cen's POV


"Im really sorry Cen hindi ko alam na ganun ang magiging reaksyon niya. I really should have not stayed here" paumanhin sa akin ni Kara nang makauwi ako sa bahay.



Kagagaling ko lang kasi sa bahay nila Onse ngayon actually nakailang balik na ako simula pa kaninang umaga pero ang sabi ni Pareng Benjie ay umalis daw ito at hindi nagpaalam. Tangina kasi eh! Ang tanga-tanga ko!




"Hindi wala kang kasalanan Kara." Sabi ko na lang dahil ayoko namang damdamin niya iyon masyado lalo na ngayon at nagdadalang-tao siya.




To clear things. Oo si Kara nga yung babaeng nagpunta daw dito sa bahay kagabi at hinahanap ako. Pero para linawin ko din...hindi siya nagpunta dito para sabihing ako ang ama ng dinadala niya..nanghihingi lang ng tulong si Kara dahil tinaboy siya ng pamilya niya nang malamang pamilyadong lalaki ang nakabuntis sa kanya. Sa habag at awa ko pati na rin ni Tiya Ninay ay dito muna siya sa bahay pinatulog kagabi to be exact sa kwarto ko habang ako naman ay sa Salas nagpalipas ng gabi.




Tangina lang kasi ang bobo ko! Hindi ko kaagad nasabi kay Onse ang lahat. Ngayon hindi ko alam kung nasaan siya at ang mas ikinatatakot ko pa ay nang sabihin niyang wala na kami. Tangina pre! Gago ako pero hindi ko naman kayang mawala si Onse kahit isang kalahating gago din yun.




"Dont worry Cen, tutulong ako sa pagpapaliwanag kay Onse sa oras na bumalik siya kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana kita inabala. Sorry talaga" nag-aalalang sabi ni Kara




"Hindi..okay lang Kara. Umaasa lang talaga ako ngayon na magiging okay ang lahat. Salamat na lang" sabi ko dito bago ito bumalik sa kwarto ko.



Tangina Onse! Nasaan ka ba? Binabaliw mo naman ako eh! Halos hindi na ako nakatulog kakadial lang ng number niya, bumili pa ako ng ibang mga sim card para lang tawagan siya dahil sigurado naman ako nakablock na nunber ko sa cellphone niya eh. Wala rin siyang update sa facebook niya.




Out of desperation, kahit ala-una nang madaling araw ay bumalik ulit ako sa bahay nila para humingi na ng tulong kay Pareng Benjie.




"Tol tangina naman, masyado naman atang maaagang pangangapitbahay yan" antok na antok na salubong sa akin ni Pareng Benjie



"Pasensiya na Pare pero kailangan ko na kasi ang tulong mo...si Onse kasi eh.. hindi pa rin nagpaparamdam sa akin" nahihiya kong sabi dito




"Takta ang tanda tan.....sandali nga! ..Ano bang ginawa mo sa utol ko at ganun ang reaksyon nun kaninang umaga?" Biglang pagseseryoso nito na medyo ikinakaba ko.



"Pare...ano kasi ...med...yo n" nauutal kon sabi nang bigla ako nitong kwelyuhan though nakashirt lang ako



"TANGINA ANO NGA?!" Galit na nitong tanong kaya mas kinabahan ako.



Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now