TMK 2

8.9K 369 32
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang.



"Kring!!!!!!!!!!!!"

"Kring!!!!!!!!!!!"


"Takteng yan! Ang ingay naman wala naman kaming landline e! Kung meron man ipaputol na yan! Hindi na uso ang phonepal!" Reklamo ko habang nakapikit pa rin. Ano bang ingay ang hayop na yan at binubulabog ang payapa kong tulog.


Sandali nga....


"Anong oras na ba?" Wala sa sarili kong tanong sabay tingin sa cellphone ko na nakapatong sa tabi ng kama ko.



Jusko alas syete y media pa lang naman pala. Kung makapagingay naman akala mo naman kung ano na. Ang aga pa alas otso pa naman pas......


"TANGINA LATE NA AKO!!!!" taranta kong sabi bago nagmamadaling bumangon at lumabas ng kwarto bitbit ang tuwalya ko. Pero kung minamalas ka nga naman ay nakalock ito.


"Labas diyan late na ako! Lumayas ka diyan kung sinu ka man except kay Kuya Jawo!" Sigaw ko mula sa labas nito though alam ko naman na si Kuya Benjie ang nasa loob.


"Naliligo ako Onse wag kang mangbadtrip diyan ha. Sasamain ka sa akin" sagot ni Kuya Benjie mula sa loob


Talagang nakikisabay pa itong walking sketchpad na ito e.



"Labas na diyan kuya! Hindi ka deserving maligo! Wag kang magpanggap diyan. Sinasayang mo ang tubig ng Maynilad di naman eepekto sa katawan mo yang tubig! Doon ka sa ilog Pasig!"  sigaw ko ulit sabay sipa sa pinto ng CR kaya ayun ang sakit ng paa ko kasi hindi ko rin naman yun nabuksan.


"Aray ko!" Takte naman oh! Bakit ba kasi ang hirap sipain ng pintuan namin? Yung mga pintuan naman sa mga action movies ang dali dali lang sipain!


"Oh gago! Buti nga sayo!" Tawang tawang sabi ni Kuya Benjie kaya wala na akong nagawa kung hindi dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Makagago! Hindi niya ba alam na mas mukha siyang gago!


Oo na ! Oo na! Ang baboy ko! Pero maniwala man kayo o sa hindi ay ngayo ko lang ito gagawin dahil ngayon lang din naman yan naligo si Kuya Benjie e!


After magbihis ay lumabas agad ako ng bahay , 20 minutes left kaya pa yan! Isang sakay lang naman ng jeep from here yung kumpanya namin e. Naniniwala ako sa himala kaya for sure aabot ako, ako pa ba? Agawan nga lang sa tricycle dito sa lugar namin dahil medyo malayo kami sa main road kaya yun lang ang magiging problema ko, madali lang namang sumingit dahil tropa ko na ang ibang mga drivers dito. Pero dahil love nga ako ng bossing ko (God) ay may isa pang tricycle sa terminal na alam kong nakalaan sa akin, now this is destiny! Ola Dora!


Pasakay na sana ako habang suot ko ang mga ngiti sa labi ko nang may gagong bigla na lang akong sinanggi at inunahan sa pagsakay. Aba aba! Gusto ata ng gulo?


"Hoy nauna ako di....." singhal ko dito sabay tingin sa loob at doon nakita ko yung walang modong tindero ni Aling Ninay


"Ano? Anong nauna? Kung nauna ka eh di sana ikaw ang nakasakay dito?" Nang-aangas nitong sagot sa akin. Punyeta tong lalaking ito, balak pa atang magsagutan kami?


"Eh di mauna ka!!! Isaksak mo sa baga mo yang tricycle na yan!! Pati sa langit mauna ka na!! Punyeta!!" Sigaw ko dito sabay takbo palayo mahirap na baka patulan ako at bugbugin, nasa work pa naman si Kuya Jawo tapos wala naman akong aasahan kay Kuya Benjie dahil baka makipusta pa yun.



Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon