TMK 14

6.9K 324 47
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.


"Hoy Cen pati ba naman boss ko aangasan mo?! Sira din talaga ang tuktok mo ! Tangina ka pag ako nasisante dahil sayo eh" yamot kong sabi dito sabay kaltok sa helmet niya



"Tsanggala Onse baka mabunggo tayo ha! Saka buti nga sa kanya yun ,yabang yabang eh. Laking gym lang naman ang katawan gusto mo basagin ko mukha nun?! Hatid hatid pang nalalaman, punyeta ba siya?!" Inis din nitong sabi kaya kinaltukan ko ulit siya.



Sino ba namang hindi maiinis eh halos alukin niya na nang away si Sir Samuel kanina sa paraan nang pag-aangas niya dito. Eh mukhanh may lahi ding gago si Sir Samuel ayun nang-aangas din ng pahapyaw kaya mas lalo lang nagalit si Cen. Tangina lalaki ako pero nakakagago lang silang tignan kanina, kung pwede nga lang na ako na lang maghamon sa kanila eh...tag-team pa sila!


Flashback

"Are you sure Onse? I mean you'll be safer with me? Alam mo na mas safe sa sasakyan, walang pollution and mas komportable ka" Nakangiti tanong ni Sir Samuel sa akin

"Ahhh..." sagot ko sana



"Hindi mas safe sa akin si Onse, kayang-kaya ko ipagtanggol ito. Baka nga ikaw pa ang ipagtanggol nito pag kayo ang magkasama eh. Saia mas sanay yang sumakay sa akin" nakangising singit ni Cen na ikinalaki ng mata ko. Takte ka Cen ano bang trip mo!



"Really? Last time I checked I also do UFC wrestling, got my black belt in Taekwondo  and had basics in arnis. Enough na naman siguro yun para mapatumba ko ang manggugulo sa amin....including you haha" nakangiti pa ring sagot ni Sir Samuel. Tangina pa-cool din itong boss ko eh!



"Wala akong pakialam pre pero ang alam ko wala pang umuuwing hindi bugbug sarado pag ako ang katapat. Nakwent ko lang naman ha" Mayabang namang sagot ni Cen kaya agad ko na ding inawat ito. Tangina neto wala namang nagtatanong sa kanya




"Ay Sir Samuel ..may lakad nga pala kami ni Pareng Cen. Oo may check-up kasi to eh...psychiatrist oo ganun nga.. sige sige" sabi ko na lang sabay hila kay Cen palayo kay Sir Samuel




"Wala ka talagang pinapalampas na tao eh! Ilugar mo nga yang kaangasan mo ! Takte isa pa bibigwasan na kita. Sungalngalin kita eh" sagot ko dito na hindi nito pinakinggan sa halip ay mas lalo lang nitong pinaandar ng mabilis ang motor niya.




Takteng yan sa langit ata ang balak puntahan ng ungas na to. Dahil nga mukhang walang balak makinig ito sa akin ay hindi na ako umimik pa dahil baka mas lalo lang niyang bilisan ang pagpaptakbo. Nakarating kami sa harap ng bahay namin nang walang kibuan, mukhang badtrip ang loko kaya nakasimangot pa rin ito.


"Sige ,salamat" sabi ko pagkababa




"Layuan mo yun ha, isusumbong kita sa Kuya mo na nagtataksil ka sa akin. Tangina Onse ano to iiputan mo ako sa ulo? Baka gusto mong ikulong kita sa bahay namin?" nakasimangot nitong sabi sa akin kaya di ko napigilan ang sarili ko kaya pinitik ko kaagad yung ilong niya.



Takte Mahal KitaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz