TMK 18

6.6K 294 25
                                    

Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..

Cen's POV


Kilala ako sa Cebu bilang isang babaero,basagulero at gimikerong anak ng isang barangay Captain yun na din siguro ang dahilan kung bakit ipinatapon ako dito ni Tatang kay Tiya Ninay sa Maynila. Ikaw ba naman ang maging sakit sa ulo eh ewan ko na lang. Dalamput-apat na taon na ako at kasalukuyang tambay, wala eh naghihintay lang ako ng magandang opportunity kasi hindi rin naman ako nakatapos ng college dahil nga sa mga kalokohan ko sa Cebu. Hindi rin naman nagkulang si Tatang sa pagsuporta sa akin gayundin si mama pero wala eh...medyo matigas nga siguro ang ulo ko.



Hindi ko na rin naman first time dito sa Manila at dito sa bahay nila Tiya Ninay kaya hindi na rin ako nahirapang makapagcope-up sa mga tao dahilan para magakaroon agad ako ng barkada dito kasama na si Pareng Benjie. Masaya naman at hindi nakakaboring dito dahil kung hindi ako nagbabantay ng tindahan ay madalas nagbabasketball ako kaya nga lang ay may mga nakilala din akong saksakan ng sungit at pilosop na utol pa ni Pareng Benjie. Tsanggala kung hindi lang yun kapatid ni Pareng Benjie ay baka binigwasan ko na ang hayop na yun sa sobrang kaangasan, ikaw ba naman ang pilosopohin at sigawan sa una niyong pagkikita ay ewan ko na lang.



Pero wala eh, kailangan ko rin siyang pakisamahan dahil dayo lang ako dito at kaibigan ko na din naman si Pareng Benjie kaya nakakabadtrip man ay pinilit ko pa ring maging mabait sa kanya. Kaso nga lang sa kinamalas-malasan at matinding libog ay hindi na namin namalayan na hindi lang pala closeness ang mapapala ko sa kanya...ako rin pala ang makakauna. Pero takte! Wala namang kaso iyon eh, parehas naman kaming lalaki at wala din namang mawawala sa kanya pero doon pala ako nagkamali. Wala ngang nawala pero may dumagdag naman sa nararamdaman ko basta ang gulo!




Tsanggala tsong naranasan niyo na ba isang araw na gumising ka at hinahanap-hanap mo yung taong hindi mo naman dapat hanapin? Partida may syota pa ako noon ha! Mas lalo lang tumindi iyon nang makipaghiwalay yung girlfriend ko dahil imbis na malungkot ako ay parang mas nabuhayan pa ako...basta ganun yung pakiramdam tsong. Yung pakiramdam na parang nagkakasundo na yunh universe na ituloy ko yung nararamdaman ko sa pilosopong iyon. Badtrip na badtrip nga ako noon kay Kupido dahil parang nanggagago eh pero hindi eh...kahit anong paling nang paningin ko sa iba parang namamagnet ako na lumapit nang lumapit sa kanya.




Doo ko na narealize na mahal na mahal ko na si Onse. Yung gagong walang ibang alam kung hindi magmura,mamilosopo o magsungit, yung gagong hindi ko pa nakikitang ngumiti at tumawa ng todo..basta mahal ko na si Onse!



"Cen kanina ka pa tumatawa nang mag-isa diyan ha! May sapak ka na bang bata ka ha?!" Suway sa akin ni Tiya Ninany nang madatnan niya akong nakangiti habang nagbabantay ng tindahan.



"Oho Tiya. Nababaliw na ako kay Onse" nakangisi kong sagot dito dahilan para pingutin ako nito




"Ikaw Cen ha! Kilala kitang bata ka! Wag na wag mong lolokohin yang si Onse dahil yari ka sa mga Kuya niyan. Maraming mga kaibigan ang mga Dimagiba dito dahil sa dami na ding natulungan ng mga magulang nila kaya kung may balak kang saktan si Onse ay ako na mismo ang magtuturo kung nasaan ka!" Sermon nito sa akin




"Tiya naman..mahal ko si Onse. Sa gwapo ko ba namang ito ay sa tingin niyo ho ba ay magtitiis ako kay Onse na lalaki din. Yun na nga Tiya eh, pagmamahal nga yung dumapo sa akin kaya wala na akong paki kung parehas man kaming lalaki. Mahal ko yun Tiya at hinding hindi ko sasaktan si Onse" sagot ko nakan dito



Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now