Mas Tinaktehan 1

5.3K 281 41
                                    





Well kilala naman siguro ako ng ibang mga readers dito na I am really a fan of always putting up a second season in my story. Why? Hindi ko lang alam pero siguro its a representation of what they call "change of hearts" or I would just like to call changes. Something na never nating maiiwasan,mga bagay na resulta ng lahat ng ating mga pinagdaanan.



Now the question is, matapos ang lahat nang pinagdaanan,naramdaman o hinanakit ng ating mga bida...tuluyan na nga bang nagkaroon ng change of heart?




Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!





Cen's POV



"Aba naman Cen! Bumangon ka na diyan at asikasuhin ang negosyo mo! Yan na nga ba ang sinasabi ko sa kakatambay mo diyan paggabi eh! Inuman na naman! Wala nang ginawa kung hindi magsunugan ng baga. Aba ka!" Sermon sa akin ni Tiya Ninay habang ako naman ay nakatalukbong pa rin ng kumot.




"Tiya Ninay hindi ho linggo ngayon para magsermon kayo diyan. Gusto ko pa hong matulog" Sagot ko dito







"Aba ewan ko ba sayong bata ka! Kung kelan ka nag-trenta saka ka naman tumanda nang pa-urong! Kung nalalaman lamang ito ng iyong Nanay sa US ay tiyak mangongonsimisyob yan sayo" dagdag pa nito kaya tumayo na lang ako dahil mukhang walang balak tumigil si Tiya Ninay kakabigay ng words of wisdom niya.





"Oho,oho. Ito na ho. Tama na ho ang homilya" inis kong sabi kaya lumabas na ito ng kwart ko. Si Tiya Ninay talaga oh!






Katulad ng dati hilamos ,toothbrush at diretso sa kusina para magtimple ng kape. After nito ay magmomotorsiklo ako papunta sa kinapupwestuhan ng talyer ko malapit sa Talipapa. Tatlong taon na din itong talyer ko dito at awa naman ng diyos ay malakas ang kita nito lalo na sa mga mahilig magpacustomize ng sasakyan. Hindi na rin kami nakatira sa dating bahay ni Tiya Ninay matapos naming magdesisyong lumipat para bagong buhay. Sa anim na taon? Wala naman sigurong nagbago sa akin,siguro mas lumaki lang ang katawan ko dahil madalas ako mismo ang nag-aayos ng mga sasakyang dinadala sa talyer ko, siguro isa na din sa pagbabago ang pagkakaroon ko ng balbas at bigote...ewan ko ba! Nakakatamad ahitin eh! Tangnang yan.





"Boss mukhang maaga aga ang gising mo ngayon ha? Naparami na naman ata ang inom kagabi" Bungad sa akin ng tauhan kong si Jinggoy na siya ring pinaka-katiwala ko dito.





"Gago! Alas-dos na ng hapon hahaha kaya pala sinermunan na naman ako ng Tiya Ninay" sabi ko dito habang ginagrahe ko ang motor ko.





"Kamusta naman dito? Malakas ba ang benta?" Tanong ko dito habang busy ako kakatingin ng logbooks at inventory ng mga auto parts na binebenta namin.





"Ayos na ayos boss! Iba talaga pag ikaw na ang kilala pagdating sa mga sasakyan dito sa lugar natin. Halos lahat ng customer kanina hinahanap ka eh" sagot sa akin nito na ikinatango ko naman habang nagsisindi ng yosi.





"Mamaya dadaan yung isa kong kliyente dito, aayusin mo lang ang alignment ng mga gulong nun tapos offeran mo din na magpalit ng gulong kung medyo pudpud na" bilin ko dito habang abala naman yung iba kong tauhan sa paggagawa ng iba pang sasakyan. Bale 8 ang tauhan ko dito kasama na si Jinggoy, pawang mga tambay noon na pinaturuan ko pa kung paano ang tamang pagmemekaniko. Once in a while pinapaattend ko din ng mga seminar ang mga yun tungkol sa mga sasakyan para mas dumami pa ang kaalaman nila sa paggagawa ng auto.




Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now