TMK 5

7.3K 329 74
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.


Walang hiya nakapikit pa lang ako pero ramdam kong tumatama na sa akin ang init ng araw at isa lang ang ibig sabihin nun, late na ako. Ayoko nang habulin pa ang mga bagay na ayaw magpahabol ,in short mag-aabsent na lang ako. Mukhang naparami ang inom ko at kung pipilitin kong pumasok takte hangover lang amg mapapala ko.


Habang nakapikit ay sinubukan ko ulit matulog sabay dantay sa dantayan ko na mukhang may katigasan ata ngayon. Tangina baka nilagyan ni Kuya Benjie ng semento to di naman kaya ay grava , siraulo pa naman yun.



Unti-unti na sana ulit akong makakatulog nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.



"TANGINA ANONG IBIG SABIHIN NITO?!!!!" Sigaw ng isang boses kaya medyo idinilat ko ang isa kong mata...oh nandito na pala si Kuya Jawo na nakasuot pa ng corpo attire angas mukhang kagalang-galang na congressman.




"Nandiyan ka na pala Kuya eh, tulog na muna ako. Ang ingay mo naman eh. Kailangan nakasigaw? Wag ganun" mahinang sabi ko dito nang bigla naman nitong inihagis sa akin ang dala-dala niyang file case kaya kaagad akong bumangon dahil sumapul sa mukha ko eh. Takte naman oh.



"ONSE ANONG IBIG SABIHIN NIYAN?!!!!" Galit na namang tanong ni Kuya Jawo habang galit na galit itong nakatingin sa akin. Ano ba yan ang aga-aga badtrip agad? Dapat umiinom to ng stresstabs si kuya eh.




"Ano ba kas....." angal ko dito sabay tingin sa tinitignan niya.Shet na malagkit!!! Ha?!!! Paano?!! Si Cen?!!



Para akong sira ulo na nakatingin ngayon kay Cen at ang mas nakakagulat ay parehas kaming walang damit at magkatabi sa kama ko. Nang marealize ko ang nangyayari ay kaagad ko itong naitulak dahilan para agad itong magising.



"Takte naman Onse..." reklamo nito sabay kuha ng unan




"GAGO KA!!!! ANO NANGYARI?!!!" Sigaw ko dito dahilan para mapatingin siya sa akin at sunod naman ay sa sarili niya na wala ring saplot.



"WAHHHHHHHHHHHHHHH" sabay naming sigaw.



"Tang*na niyo, wag kayong magsigawan na parang mga dalaga diyan! Magbihis kayong dalawa at mag-uusap tayong tatlo sa labas" nakakatakot na sabi ni Kuya Jawo sabay balibag nang malakas sa pinto ko.



After umalis ni Kuya ay nagkatitigan kami ni Cen na parang pilit inaalala ang lahat nang nangyari. Ano nga ba ang nangyari?! Uminom kami, then Medyo nalasing ako tapos nagtaxi... yun lang naman eh



"Gago ka Cen?!!! Ano ginawa mo sa akin?! Tang*na ka nirape mo akong ulul ka!" Sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan sa kanya




"Tangina! Hindi ko rin alam kung anong nangyari! Baka mamaya ikaw ang gumapang sa akin ha!" Mayabang na sagot nito sa akin habang nagmamadali sa pagsusuot ng brief nito.




"Yari ako kay Kuya baka isipin nun bading ako! Tang*na kasi nito eh! Hindi ba sinabi ko na kahapon na umalis ka!" Sigaw ko ulit dito habang ako naman ay nagbibihis na din




"Kumalma ka nga!!! Wala namang mawawala sayo eh!" Inis nitong sabi sa akin susugurin ko sana ito ng suntok nang biglang sumakit yung pang-upo ko.



Takte Mahal KitaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora