"Buhay si Hesus"

1.1K 5 0
                                    


Kahit kailan hindi patay si Hesus
Ang kanyang pagmamahal ay dakilang lubos
Walang makasirang kahit na anong unos
Pagkat sya lamang ang natatanging Diyos.

Buhay ang kanyang diwa
Isapuso natin ang kanyang mga salita
Tayo'y nabubuhay sa bigay nyang biyaya
Marapat na pasalamatan ang ating Bathala.

Tayo'y niligatas sa ating mga kasalanan
Ang kanyang mga sakripisyo'y h'wag kalimutan
Alalahanin ang hirap na kanyang pasan-pasan
Sa kanya humingi tayo ng kapatawaran.

Dahil sa busilak ang kanyang pusong mala kristal
Nabubuhay tayo sa kanyang pagmamahal
Kaya't h'wag hayaang galit sa puso ang umiiral
Dahil pagmamahalan ang turo sa atin ng Maykapal.

Buhayin si Hesus sa ating mga puso
Sarili nati'y h'wag kusang ipako
Sa krus na puno ng pagdadalamhati
Na tanging pagkakasala ang sanhi.

Ang magandang balita'y palaganapin
Pagmamahal ang tanging liligtas sa atin
Puso't isipa'y ating palawakin at payamanin
Ang kanyang kabutiha'y ating sariwain at panatilihin.

- April 1, 2018 8:02AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon