Bonus: Brazilwood Tree

6.6K 246 7
                                    


Spencer's POV


Hi-hi! Ako si Spencer!


Ang pinaka-cute at pinakasikat na prinsipe!


Sa lahat ng kuya ko, si kuya Henrique ang favorite ko! At paglaki ko gusto ko maging kagaya niya! 


Pero wag niyong sabihin 'yun, lalo lang lalaki ulo niya, magiging pakwan na 'yun.


Secret lang natin ni Liezel bunny 'to, ok? 


Ngayon nasa SC ako, hinihintay namin ni Liezel bunny si kuya Henrique. Itutuloy namin lesson ko kung paano mang-agaw ng chicks ng iba. Sakto dumating si kuya Alejandro at sinalubong 'to. "Hi kuya Alex~"

"Spencer, ang aga mo ata."

"Madali lang exams namin. Si kuya Henrique?"

"May away na naman. Sinabi niya wag mo na siyang hintayin."

"Pero nandito na ko~ Hanapin ko siya! Bye kuya dragon!" Lumabas ako at nagsimulang maghanap. Kadalasan hindi natutuloy sessions namin dahil sa mga away niya. Kaya ko rin siya inaidol kasi lagi siyang panalo sa mga laban niya, parang si PacMan lang! 

Tsaka may isa pa kong rason kung bakit hinahangaan ko siya. Kahit ba mukhang maangas siya, mabait siya at pinatatanggol niya ang mga nangangailangan.


Para lang dati...


Napahinto ako sa paglalakad. Naalala ko yung araw na 'yun, ang unang pagkikita namin.

Tiningnan ko si Liezel bunny at nginitian siya. "Hindi ko pa pala nakwento sa'yo story namin ni kuya Henrique." Napatingin ako sa bintana. "Nangyari 'yun nung grade four ako..."

___________________________________________________


*FLASHBACK*


"C'mon Oswald!"

Tinulak ako at nadapa sa school playground. Nakaramdam ako ng sakit sa tuhod ko at siguradong may bagong sugat na naman.

"Fight me!"

Binubully na naman ako ni Walker. Lagi naman ganito, mula ng malaman nila yung kay mommy...chismosa kasi mga teacher dito!

"Look at him, he has murderer written all over his face!" sabi ng isang babae.

Kapag inaaway ako ni Walker, kadalasan nakikisawsaw na rin yung iba. Sa batch kasi namin siya ang pinakasikat at nagtataasan ng mga palda ang babae sa kanya. Hindi ko naman din siya kayang labanan. Natry ko na, ako tumalsik.

"Don't come near him Walker or he'll kill you just like what he did to his mom!"

Naisip ko tuloy siya at tumulo na ang mga luha ko.

"That's right! Cry like a little bitch!" Binuhos ni Walker ang gatas niya sa ulo ko at binato rin sa akin ang carton.

Pinagtawanan ako ng iba at binuhusan din ako ng mga inumin nila. Ang nagawa ko lang ay takpan sarili ko habang umiyak. Kahit ba may makakita sa amin na nakakatanda kadalasan hindi nila 'to pinapansin at dumidiretso lang. Mga duwag kasi sila, natatakot at baka matanggal sa trabaho. May nangyari ng ganun, tinulungan ako, pinagalitan niya ang studyante, pinatanggal siya ng mga magulang dahil daw child abuse.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon