Poinsettia

8K 245 56
                                    


Maya-maya lang, magsisimula na ang pinakahihintay na Christmas celebration ng academy, at malapit na rin kaming tumayo sa stage nila.


Kasama ko ngayon ang bandmates ko, tinitingnan ang malaking stage sa Square kung saan gaganapin ang celebrasyon.


Ito ang sinasabi nilang "big break", at sana maging successful 'to.


Masasabi kong ready kami, pero...ano kaya nararamdaman nila Monica ngayo-


"OMG Zel! Andaming mga gwapo!" 


Ako lang ata kinakabahan.


Nakita ko silang nagsisikiligan. Kanina pa sila nagbo-boy hunting at si Monica malapit ng mag-convulsion.

"Kalahati ng tinuturo mo mga butler." sabi ko.

"Ang swerte mo talaga Zel at napapalibutan ka araw-araw ng mga gwapo!"

"Nga pala, kailan mo ipapakilala boyfriend mo?" tanong ni Blynne.

"Mamaya, promise." sagot ko. "Busy kasi siya dahil magpapalabas rin sila. At hindi ko pa nga siya boyfriend. We're somewhere in between~"

"Friends with benefits?" 

"Hindi!"

"Basta," inakbayan ako ni Kris. "hindi kami aalis hanggang sa makita namin yang bae mo."

Nag-ikot kami sa paligid ng Surrexerunt Square. Pag Christmas week, may mga booths dito at maraming mabibilhan na pagkain. Medyo rumarami na rin ang tao kaya nagiging lively na ang paligid.

"Nga pala Zel, totoo bang nakuha nila 1D?" tanong ni Monica.

"1D, Taylor Swift, mostly yung mga sikat na artists ngayong taon kaya kailangan mag-stay kayo hanggang finale."

"Pwede mag-stay na lang kami dito forever?" 

Nagtawanan kami, at sakto may tumawag sa akin. "Liezel!" Nakasalubong namin sila Lien. "Buti nakita ka namin. May kasama ka pala."

"Mga kaibigan ko sa dati kong school." Isa-isa ko silang pinakilala. "Sila rin bandmates ko."

"Ahh~ kayo rin pala 'yun." wika ni Mei. "Nice to meet you."

"Kayo rin. Nakekwento kayo ni Zel." sabi ni Blynne. 

"Yayayain ka sana namin mag-dinner, Liezel." wika ni Tien.

"Kakain na rin kami bago bumalik sa stage. Kung gusto niyo sabay na tayo." Sabay nga kaming kumain at masaya ang pagkekwentuhan. Naglaro rin kami ng ilang booths bago kami naghiwalay.

"Ichicheer namin kayo!" wika ni Cinta. "Good luck!"

"Thank you!" Nagpaalam kami, at sabi ni Monica "Ang babait nila Zel, at ang gaganda pa."

"Oo nga." sabi ni Kris "Pano ka napunta sa kanila?"

"Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo!"

Nagtawanan at dumiretso kami sa tent kung saan magste-stay ang performers. Habang naghihintay magpapasok, tinanong ni Sarah "Pero Zel, sino naman yung sinasabi mong singit queen?"

Sakto, narinig ko tawa nito. "Hohohohohohohoho!"

"Shet!" Nagtago ako sa likod nila. "Diyan lang kayo at ayaw kong mabadtrip araw ko!"

Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now