Bluebell

8.9K 269 9
                                    


For the first time in weeks makaka-enjoy ako ng weekend!


Walang mang-aabala sa akin na prinsipe.


At walang Zelda.


Kasama ko ngayon ang kambal, nagre-relax sa labas ng cafe. Actually, itong lakad na 'to ay dahil sa dalawang babae sa harap ko. Nang malaman nila na tapos na ang pagsisilbi ko, niyaya ako sa mall at treat daw nila 'to. Tumanggi ako pero hindi raw ako makakalusot at pinilit akong sumama. Nanood kami ng sine, kumain sa isang bonggang resto, at binilan pa ko ng kung anu-ano.

Overloaded na nga kung tatanungin niyo ko.

At mukhang hindi pa magtatapos dahil sa nakikita kong maliit na kahon sa harap ko.

"Liezel, para sa'yo." sabi ni Tien.

"Teka lang, sa totoo lang sobra-sobra na binigay niyo sa akin," Mamahalin pa. "tsaka sabi ko nga sa inyo, wala kayong dapat ibalik sa akin."

"Malaki talaga pasasalamat namin sa'yo, lalo na ako." sabi ni Lien. "Si Tien lang ang kapatid ko, Liezel, at mahalaga siya sa akin. Bilang nakakatandang kapatid, ako lagi ang nasa harap, lalo na pag may nagawa siyang mali. Yung ginawa mo para sa kanya, malaking bagay 'yun sa akin. Kung sa iba wala 'yun, sa amin hinding-hindi namin 'yun makakalimutan."

"At pinakita mo rin sa amin Liezel," tuloy ni Tien. "na may mabubuting tao pa rin kagaya mo."

Nangangamatis ako at uminom lang. Napangiti naman sila at nilapit ang kahon sa akin.

Wala akong magawa kung 'di kunin 'to. "So proposal ba 'to?"

Natawa si Tien. "Parang ganun na nga."

Binuksan ko 'to at napatitig sa kumikinang na bagay. Isa siyang silver charm bracelet. "Ang cute niya!"


Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Sabi ni Lien "Buti naman nagustuhan mo, actually, parang friendship bracelet na rin 'yan." Pinakita nila ang mga bracelets nila. "Meron din sila Mei, at since part ka na ng group namin, pinag-usapan naming lahat na bilan ka."

"Thank you! Ang ganda talaga niya! Iingatan ko 'to." Tsaka halatang mahal eh.

"Papadilim na, kailangan na natin bumalik."

Pagtayo namin sabi ko "Pwede mag-CR muna ako? Andami ko kasi nainom."

"Sige lang." sagot ni Tien. "Dadalin na namin ang gamit mo sa kotse."

Pumasok ako at dumiretso sa CR. Pagkatapos ko, pabalik na ko nang may narinig akong pamilyar na boses. Katabi lang ng CR ang back door at nakabukas 'to kaya sumilip ako.

Medyo madilim na at sa nakikita ko isang alley 'to. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses, at may nakita akong apat na lalaki hindi kalayo-layo sa akin. Yung tatlo parang hinaharangan yung isa, at itong isa na 'to kilala ko, si Jae-Sun.

Surrexerunt AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang