Cherry Blossom I

7.3K 215 23
                                    


Nihon e youkoso!


This is it!


I've been dreaming of this day and I still can't believe it!


Nandito na ko sa land of anime-este the rising sun! 


I'M HOME JAPAN!


"Move it lottoser!"

"Aray!" Binangga ako nung singit at natawa mga kampon niya.

Of course, nandito si Sabrina dahil kabatch ko siya. Buti na lang wala yung dalawang commander-in-chief niya.

"Mga hindi marunong mag-excuse!" sabi ni Cinta.

"Pabayaan mo na sila. Hindi 'yan makaka-get over sa ginawa ko sa reyna nilang singit. Ienjoy na lang natin 'tong field trip." 

Natuwa siya. "Nung makita mo nga yung bansa, kulang na lang tumalon ka sa airplane!"

Well, balak ko ngang tumalon...pero sosyal talaga ang academy, biro mo, field trip namin sa ibang bansa! At isang linggo kami dito! Ang masaya pa all expense paid trip 'to para sa akin since ako nga ang "lottoser" ng academy.

Lumabas na kami sa terminal at sumakay ng bus. Dumiretso kami sa Imperial Hotel Tokyo kung saan kami tutuloy sa first three days dito. Marami nga raw na kilalang tao ang nagste-stay dito. Pangalan pa nga lang pang mayaman na.

Pagdating nag-check-in kami bago lumabas para mag-ikot sandali at mamayang hapon pa naman tour namin.

"Ang ganda talaga dito! Asan mga anime shops nila?" tanong ko.

Natawa si Cinta. "Hayaan mo. Sa third day natin pupunta tayo sa Akihabara. Lahat ng anime, manga, at games nandun!"

Tumingin-tingin ako sa paligid at may nakita ako na kulang na lang kuminang mga mata ko. "Cinty! Tingnan natin 'yun!"

"Huh? Ah, yung mga-"

Hinila ko siya sa mga hilera nito. "Makakabili na ko dito!"

"Pero vendo machine lang 'yan..."

Oo, vendo lang pero mga kakaiba at hightech ang vendo nila dito! Bawat vendo iba-iba laman kagaya ng pagkain, laruan, magazines...panties...and many other more! Binilhan ko mga 'to kaya pagbalik namin sa hotel lobby parang nag-shopping ako. 

"Baka lahat ng vendo na makita mo bilhan mo!" sabi ni Cinta.

"Nakakatuwa kasi sila! Tsaka ngayon lang ako nakakita ng canned bread-Ay!" Hindi ko napansin at may nabunggo ako. "Sorry! I'm very so-Jae-Sun?!"

Napangiti siya. "Daijoubu, Liezel."

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Cinta. "Namali ka ba ng sakay sa airplane?"

"Hindi naman."

"Pero bakit nandito ka? Diba Korea punta niyo?" sabi ko. Ang mga first year kasi ay sa South Korea habang ang mga third year sa China naman.

"Oo, pero-"

"Dongsae," Biglang sumulpot si Jae-Eun at binati kami "Good morning."

"Uhh~ hi?"

Natawa si Jae-Sun. "Pinayagan kami na sumama sa inyo."

"Come with us so you can see the others." sabi ni Jae-Eun.

Surrexerunt AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt