Mistletoe

6.6K 200 23
                                    


"Merry Christmas!"

Magpapasko na naman at marami ng excited umuwi sa kanilang bansa. Syempre, magpaparteh-parteh muna, at sabi nila magiging bongga ang celebrasyon ngayong linggo. Mamaya nga magki-Christmas party ang mga prinsipe at invited kami ng mga kaibigan ko. 

Si Malcolm naman halatang excited at may inaabot ng regalo.

"Dahil hindi ko makakapiling ang prinsesa ko sa lamig ng pasko, ibibigay ko na sa'yo ang gift mo." 

"Thank you~ Pero may mamaya pa naman din."

"Gusto ko ng ibigay sa'yo, at habang tayong dalawa pa lang sa classroom. Buksan mo na~"

Napatingin ako sa regalo, nasa brown envelope siya. Kinuha ko ang laman, at lumaki ang mga mata ko. "Seryoso?!"

Approval siya na pwede ang banda namin magpalabas sa upcoming Christmas celebration. Maraming studyante nag-aapply pero tig-isa lang sa bawat division ang kinukuha at pinipili lang ang magagaling talaga.

"Oh my- Totoo ba 'to?! Pano mo nagawa?!"

"May connections ako sa loob~ Tsaka kinailangan kong sumipsip kay commander dahil dumadaan sa kanya ang mga applications. Pero ok lang," Napangiti siya. "basta para sa'yo, gagawin ko lahat!"

"Thank you Malcolm! Thank you sobra!"

"You're welcomes~ Gusto ko rin marinig nila kung gaano kagaling ang soon-to-be-GF ko! Rakenrol!"

Natawa ako. "Ay! Kailangan kong itext sila Monica. Pipili pa kami ng kanta."

"May apat na araw pa kayo para makapaghanda. Basta pag nasa stage ka na, ang unang titingnan mo ay ang gwapo mong prinsipe!"

"Oo naman." Sinamahan ko siyang lumabas ng classroom. "Mamaya na lang gift mo ha."

"Excited na nga ko! Pwede mo ba ko bigyan ng hint?"

"Wag na at baka malaman mo pa. Yung ibibigay ko nga hindi matatapatan regalo mo."

"Kahit  wala kang ibigay sa akin, natanggap ko na ang best gift ever!"

"Ha? Ano 'yun?"

Hinawakan niya ko sa bewang. "Ikaw! Ang pinaka-cute kong prinsesa!" 

"Sus, bumalik ka na nga sa classroom mo." sabi ko, pero hindi ko mapigilan mapangiti.

"Ahaha! Nga pala, may isa pa kong regalo sa'yo mamaya."

"Isa pa?"

"Oo naman!" Sinimulan na niyang umalis. "Pampapogi points! Kita-kits na lang! Mwah mwah tsup tsup!" Pinanood ko 'to hanggang sa mawala na siya.


Hindi mo naman ako kailangan paliguan ng mga regalo, Malcolm.


Kung tatanungin mo na ko ngayon, nagkakagusto na ko sa'yo.

_____________________________________________________


"Ang swerte mo talaga Liezel!"

Dumating ang gabi at papunta kami ng mga kaibigan ko sa SC. Nakwento ko sa kanila yung regalo sa akin nung isa at excited sila na marinig kaming tumugtog.

"Ito yung sinasabi nilang big break! Kaya kailangan galingan niyo!" sabi ni Lien.

"Oo nga!" sabi ni Cinta. "Maririnig ka na rin namin maggitara!"

"Kinakabahan nga ako." sabi ko. "Yung bandmates ko nga halos magwala nung tinawagan ko." 

"Kaya niyo 'yan~" wika ni Mei. "Pero ngayon mag-enjoy muna tayo!"

Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now