Apple Blossom

7K 218 25
                                    


"Malcolm, san tayo pupunta?"

"Secret~ Malalaman mo pag malapit na tayo."

Sabado nang umaga nagda-drive kami sa NLEX at hindi ko alam kung saan kami patungo. First date namin 'to at ginawa niyang surprise para raw may "thrill".

Ang aga nga namin umalis. 


Biro mo, alas singko ng umaga naghihintay na siya sa labas ng dorm!


Hindi naman siya excited.


May nadaanan kaming sign at feeling ko alam ko na kung saan kami papunta. "Magsu-Subic ba tayo?"

"Korek ka dyan! Sa totoo lang hindi ko alam kung san kita dadalin. Ayaw ko naman yung paulit-ulit kagaya ng mall, park. Sabagay ang Subic din puntahan ng mga nagde-date, haha. Ok lang sa'yo? Kung gusto mo pwede ko pang habulin private jet plane namin. Balak ko nga una mag-Singapore tayo."

"Singapore?"

"Balikan. Maraming magagandang tanawin at masasarap food nila! Tsaka marami pang mabibilan 'dun. Ano, diretso tayo airport?"

"Ay hindi! Ok na 'to. Akala ko nga sa Manila lang tayo. Mas maganda na 'to."

Napangiti siya. "Gusto kong maging the best ang first date natin. Tsaka matagal ko na rin gustong puntahan ang Subic. Mag-eenjoy tayo ngayon, Liezel. Peksman!"

Maya-maya lang nakarating na kami at si Malcolm parang bata, kung saan-saan nagpi-picture. Wala pa nga kami sa mismong Subic bumaba siya para mag-selfie sa malaking billboard nito.

Dumiretso kami sa first destination, ang Zoobic Safari. Habang papunta biglang may hayop na tumawid at saktong napahinto siya.

"Monkey ba 'yun?"

"Oo." sagot ko. "Minsan may mga unggoy na lumalabas dito kaya dahan-dahan ka lang."

"Wow! Ayun! Marami 'dun!" Lumapit kami at bumaba para makita sila. "Ang cute~"

"Mukhang gutom sil- san galing yung saging?!" 

Kumakain siya at may hawak 'tong piling ng saging. "Baka kasi gutumin tayo sa daan. Eto o, may banana ako." Pumirapiraso siya nito at binigay sa mga unggoy.

"Alam ko bawal silang pakainin."

"Ok lang 'yan." May baby na umakyat sa kanya at sinimulan 'tong kutuhan. Natawa siya. "Wala kang mahahanap dyan. Mag-banana ka na lang. Sagana sa potassium at mako-constipate ka pa."

Natawa ako habang pinapanood siyang palibutan nito. May mga lumalabas sa gubat at isa nito nakipag-away para lang sa prutas. Ang laki nito at nang mapansin kami sumama ang tingin.

"Wag kayong mag-away. Eto, sa'yo na lang akin." Hinagis ni Malcolm ang kalahating saging sa harap ng unggoy, pero lalo lang 'to nagalit.

"Maselan ata...alis na tayo." 

Biglang sumigaw yung unggoy at tumakbo sa amin. Sumakay na kami at tumalon 'to sa windshield at nagwala ng 'di oras.

"Grabe PMS nito!"

"Pano mo nalaman na baba- Ahh~ ok."

"Malcolm paandarin mo na!"

Umandar nga kami at binusinahan niya pero ayaw umalis nito at lalo lang nagwala. Binasa-basa niya 'to at pinaandar pa ang wiper hanggang sa umalis na. Nakita namin 'to sa salamin hinahabol kami.

Nang mawala na, natawa si Malcolm. "Makwento nga 'to sa iba!"

Feeling ko hihintayin kami 'nun.

_____________________________________________________

Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now