Gazania II

8.2K 228 41
                                    


"Kuya Henrique, bakla ka?"

"Tanungin mo dyan sa ate Zelda mo."

"In touch lang siya sa feminine side niya." sabi ko kay Spencer habang pinagmamasdan nito ang flawless nails nung isa.

Pangalawang araw na at kakatapos lang namin lumangoy at nagpapahinga sa malaking kubo. Dahil sa Spin the Bottle, mukhang naging kumportable na ang dalawang grupo namin. Buti naman at hindi ko na ata makakayanan ang sobrang awkward stare down nila.

"You're so unfair my Liezel." sabi ni Vitale. "Hindi pa namin nakikita kang naka-bikini.

"Bilan na lang kita ng FHM." Naka-bikini nga ako, pinapatungan ko lang 'to. Napansin ko wala si Mei kaya tinanong ko si Cinta "Nasan si Mei?"

"Tinitingnan niya ang flowers 'dun."

Nakita ko nga 'to at pinuntahan siya. Paglapit ko, napansin kong may basket siya puno ng bulaklak. "Ang gaganda niyan."

Napalingon siya at nginitian ako. "Balak ko ilagay sa dinner table mamaya. Babalik na ba kayo?"

"Hindi naman. Pinuntahan lang kita. Kinukulit kasi ako ng mga prinsipe at mag-bikini raw ako." Natawa siya bago pumitas ng bulaklak at inamoy 'to. Napansin ko medyo malungkot 'to. "May problema ba?"

"Tinawagan ako ng mommy ko kanina..."

"May nangyari sa kanya?"

Umiling siya. "Napag-usapan na naman namin ang fiance ko."

"Fiance? May fiance ka?"

"Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo...Engaged na ko." 

"Ganun ba..." Wow, bagong revelation 'to sa akin. "Kelan ka na-engaged?"

"Matatawa ka nga. Bago pa ko ipinanganak, engaged na ko." Tinitigan niya lang ang bulaklak. "Planado na buhay ko bago pa ko makalabas sa mundo na 'to." 

"...Bakit nga ba ginawa nila 'yun?" 

"Napagkasunduan ng parents namin na ikasal kaming dalawa, for the future of our family...for the future of our family companies."

Hindi na nakakapagtaka, pero kawawa naman si Mei. Biro mo, hindi ka pa nabubuhay engaged to be married ka na. Kung ako 'yun baka hindi na ko lumabas sa tyan ng nanay ko. "Hirap naman ng ganun...ah! Sorry kung nagiging chismosa ako."

"Ok lang. I need a friend to talk to, at buti na lang ikaw ang nandito. Nakakapag-salita ako ng ganito kapag ikaw kasama ko." Nginitian niya ko.

"Haha, may good vibes ba ko?" 

"Ganun nga. Pero tama ka, mahirap ang sitwasyon ko, lalo na...may iba akong tinitingnan. I mean, hindi pa ko sigurado kung may nararamdaman ako sa kanya." Napangiti siya sa sarili niya. "Ang alam ko lang pinapasaya niya ko kahit hindi niya alam."

"Kung ganun dapat sabihin mo sa kanya, lalo na kapag sigurado ka sa nararamdaman mo. Mahirap din itago 'yan...well 'yun sabi ng isang kaibigan ko, ahaha~" 

"Kahit hindi na, alam kong hindi niya 'to mababalik." Binigyan niya ko ng malungkot na tingin bago bumalik sa pagpipitas ng bulaklak. "Tsaka hindi papayag parents ko."

Sabagay, gaya nga ng sinabi niya, planado na buhay niya.


Engaged to be married to a man she doesn't even love...


"Nga pala, sino ba si fiance?" tanong ko.

"Isa siya sa anak ng Prime Minister ng Japan. Tsaka kilala mo siya, Liezel."

Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now