Sampaguita

10.4K 237 26
                                    


Lahat ata ng bulaklak ng 'Pinas pinagtatambak dito sa classroom.


Narinig ko nga gusto nilang lagyan ng Rafflesia sa labas.


Eh 'yun kaya ang pinakamabahong bulaklak. Pag naglagay sila de walang papasok!


Moving on, buwan ng wika ngayon at ang buong academy ay ipinagdidiwang ito. Since nasa 'Pinas na rin ang eskwelahan, sumasama na rin sila sa pag-celebrate. Ito rin ang mga araw na pwedeng pumasok ang mga nasa labas, pero pili lang. As in dapat may special connection ka, isa kang reporter, or presidente ka ng bansa.

Bali nagiging isang isla ng mga fiesta ang academy. Kung saan ka magpunta, may mga banderitas, palabas, stalls, at iba pa. Ang mga tao rin ay either naka-barong or baro't saya, or naka-ethnic costume.

Meron din paligsahan sa bawat division, at sa HS may tinatawag na Barrio Fiesta kung saan bawat klase ay may festival na gagayahin. Sa napansin niyo nga, sa sandamakmak na bulaklak, ang Panagbenga Festival ang napunta sa amin. Dahil ako lang ang nakakita nung mismong festival, sinabi ko kung ano kailangan, pero sumobra naman dahil nagpakuha sila sa bawat suluk-sulukan ng Pilipinas ng mga bulaklak.

Sabagay maganda naman siya, yung nga lang, parang yung mismong festival sa Baguio ay sinaksak sa isang kwarto. 

Tapos na ang trabaho ko. Pinapanood ko ang mga kaklase kong mag-practice para sa parada. Napansin ko libre yung buffet table at pupuntahan si Senyor lechon nang lumapit si Iman, ang president namin.

"Liezel, pakibigay mo naman 'to sa SC, busy kasi ako. Tutal close naman kayo."


Anong close?


Kinuha ko na lang 'to at tiningnan si lechon.


Babalikan kita.


Stay crispy.


Lumabas na ko at pumunta sa SC. Sabi ko pa naman, o kinanta, na hindi na ko babalik doon. Nagpabasa pa ko sa ulan. Muntik na nga kong magkasakit.

Sabagay, bisita lang naman, tsaka naka-green light ako kay Alejandro.

Pagkarating kumatok ako at binuksan ang pinto. "Hello-" Sinarado ko ang pinto,  tumalikod, at naglakad.


Tama 'yan Liezel, forget everything you saw.


Everything.


*BAM*


"ZELDA!"

Tinuloy ko lang ang paglalakad ko, pero hinarangan din ako ng nakangiting Malcolm. "Zelda, bakit ka biglang umalis?"

"Bakit ka nakabahag?"


Oo, tama, nakabahag siya.


Enjoy.


"Ha? Ahh~ eto? Ito kasi pinasuot sa amin ni principal. Costume raw 'to ng mga Igorot!"


Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now