Lily

19.4K 417 34
  • Dedicat lui Marielle Innah Santiano Valmores
                                    


"Liezel! Liezel! Gumising ka na o baka-"

"Malate ako sa school. Lagi naman."

Pero sa totoo lang, 'yan ang lagi kong naririnig limang beses sa isang linggo. Depende na lang kung may holiday o bagyo.

Sa narinig (o nabasa) niyo, ako si Liezel S. Diaz. 16 taong gulang at nasa grade 11 na. 


Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.


Hobbies 'ko ay magbasa, maglaro ng video games, manood ng anime, mag-guitara, magluto, at kumain. Nakatira kami ng mga magulang ko sa QC, habang ang kuya ko nagtatrabaho sa New Zealand.


At ano ang ginagawa niya doon?


Gumagatas siguro ng baka.


Joke! Nagtatrabaho siya sa isang sikat na TV station doon.


Pagkatapos magbihis, bumaba na ko sa dining room at kumuha ng pandesal at palabas na ko nang tawagin ako ni mama.

"Aalis ka na? Umupo ka nga dito at palamanan mo 'yan."

"Kayo nga po nagsabi malalate na ko. Tiyaka kailangan 'ko na rin po mauna, magkikita pa po kami ng mga classmate 'ko."

"Mag-ingat ka, at agahan mo mamaya ha? Alam mo naman kung ano meron."


Mamaya na ba 'yun? 


Ang bilis!


Napabuntong-hininga ako. "Sige po."

____________________________________________________________


"OMG! OMG! O-M-G! Mamaya na! Gusto ko nang mamatay sa sobrang kaba!"

Tanghalian na at nandito kami ngayon sa canteen ng mga kaibigan 'ko at yung isa, si Monica, nagko-convulsion. 

Mga bandmates 'ko rin sila at ang pangalan ay Xplay

Rock on!

"Ano ka ba Zel! Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?" tanong ni Monica sa akin.

"Thurs-"

"Ngayon ang araw na makikita ko na ang prince charming 'ko!"

"Kakasabi mo lang nung isang araw nakita mo na prince mo." sabi ni Blynne. "Ano ba talaga?" 

"Lagi naman eh! Huwag ka ng magtaka kung isang araw si manong janitor ang susunod na prince charming niya." Binatukan ako sa ulo.

"Basta! I can't wait! Romeo, here I come!" Tumalon-talon pa siya.

Surrexerunt AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum