Heather

5.9K 199 26
                                    


Perks of Dating A Prince of the Rose


1. Instant celebrity ka...well sort of. Kasi halos lahat ng babae ng academy galit sa akin. Yung iba naman pasipsip para makalapit kay Malcolm. Nakikipag-selfie sa amin pero kina-cut out nila pic ko para silang dalawa matira.


2. No more singit queen! Actually patago niya kong inaapi, pero pag nandyan si Malcolm kulang na lang halikan paa ko.


3. Last but not the least, the prince himself. Infairness, ang sweet ni Malcolm at lahat ng sinasabi niya sa akin tinutupad niya.


Considerate rin siya kasi ayaw naman niya kalimutan mga gawain at kaibigan namin. Kagaya ng pagpasok, sabay kami sa umaga, at kung 'di busy sabay rin kami pag-balik. Pag lunch, napag-usapan namin na pag-MWF kaming dalawa lang, pero pag-TTh sa mga kaibigan namin.


Sa totoo lang, medyo nagkakagusto na ko sa kanya, medyo lang. Siguro ito yung tawag na crush, o like na ba 'to?


Ewan, 'di ako sure. 


#landiniLiezel


Pero at least unti-unti nabubuksan na puso ko, at pag dumating ang panahon tatanungin niya ko maging girlfriend niya, handa na ko. Ngayon date-date lang muna, o yung tipong "getting to know each other".

Kagaya ngayon, pagkatapos ng klase dinala niya ko sa Square, pero pinasuot niya ko ng blindfold at may suprise raw siya.

"San mo ba ko dadalin?" tanong ko habang ginaguide niya ko.

"Dito lang sa likod ng Square." 

"Eh diba gubat lang 'dun?"

"Ahaha, akala mo lang. Dadalin ko ang prinsesa ko sa isang "magical" place." 

Baka mamaya pagdilat ko naka-gown na ko pang Cinderella.

Ilang minuto lumipas at sinabi niya "Nandito na tayo!"

Tinanggal niya ang blindfold at nakita ko na nasa harapan kami ng high tunnel na gawa sa mararaming bulaklak, at ang ganda niya.


Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


"Shall we, my princess?" inalay niya kamay niya.

Kinuha ko 'to at pumasok kami. Medyo mahaba at may mga nagsisilaglagan na talulot kaya parang napapaliguan kami nito. May mga paru-paru na lumilipad at naririnig ko ang mga iba't-ibang ibon. Meron ding tumawid na kuneho at natuwa ako. "Parang nga tayo nasa ibang mundo."

Surrexerunt AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang