Bells of Ireland

11.1K 282 10
                                    


Kinabukasan, pagkatapos magsimba, dumiretso kami sa mall. Inuna muna namin bilin ang mga importanteng bagay bago mga damit, habang si papa sunod-sunuran lang sa amin.

Kawawa talaga ang mga lalaki. 

Mag-hapon kaming pasok-labas sa mga stores at sa wakas, natapos din. Ngayon, nandito kami sa isang Chinese restaurant, having our "last" family dinner sa pagkasabi ni mama.

Nakiki-ride na lang kami sa kanya.

"...at makikita naman natin si Liezel from time to time. Pwede pa nga natin siya sunduin pag-Friday." sabi ni papa.

"Sabagay." Tumingin si mama sa akin. "Basta mag-ingat ka ha, lalo na pag naisipan mo lumabas ng school...Huwag ka na lang kaya lumabas."

"Ma, lalo po akong nabaliw sa school na 'yun! Weekend na nga lang po kami pwedeng lumabas babawalan niyo pa ko."

"Manila kasi 'yun! Hindi Quezon City!"

"Ang gusto lang sabihin ng mama mo mag-ingat ka lang. Huwag mong kakausapin ang mga 'di mo kilala. Anyway, congrats anak. Pati rin ako hindi makapaniwala na ikaw mapipili. Galingan mo at makaka-graduate ka sa isang kilalang eskwelahan sa buong mundo." May kinuha siyang paper bag sa side. "Here, it's a present from us."

Kinuha ko 'to at binuksan. "Weh?!" Kinuha ko yung bagong cellphone sa lalagyanan at tinitigan ng matagal.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong ni mama.


Like O-M-G! Hell yeah!


"Bagong labas daw 'yan, halata naman rin sa price." Natawa si papa.

Nakangiti ako ng todo-todo at sinabi "Thank you po talaga!" Akala ko makaka-cellphone lang ako ng ganito kapag may trabaho na 'ko.


I'M SO HAPPEH! 


"O sige, tapusin na natin 'to. It's a special day tomorrow." sabi ni papa.

Napatiggil ako sa kaka-marvel ng cellphone at sinabi "Maaga na lang po tayo siguro umalis para iwas traffic."

Nagtinginan sila, pagkatapos ako naman.

"Ahh~ hindi ko pala nasabi sa'yo." sabi ni mama.

"Ang alin po?"

Nakangiti siya. "Basta, mag-eenjoy ka sa pagpunta mo sa academy!"

Ito ba yung tatakbo ako sa isang pader na parang tanga at mapupunta ako sa isang hidden train station?

Makapag-ready nga ng helmet.

______________________________________________________


9 ¾


Hindi. Hindi iyan ang inaakala niyo, at hindi 'yan 9 ¾.


934 'yan.


Number 'yan ng plaka ng isang limousine na nakaparada sa harapan ng bahay namin. At ang mga usisero't usisera nakapalibot, pati rin yung mga taga ibang barangay nandito. May mga dalang camera sila at nag-pipicture sa limousine, yung iba nag-seselfie, parang sa kanila yung kotse o sasakay sila. Nandito rin si kapitan at mga tauhan niya at kaysa harangan ang mga tao, sila rin pasimpleng nagkukuhanan.

Surrexerunt AcademyWhere stories live. Discover now