Yari ka ulit. Haha!
“Hi Cole!” maarteng tawag nung babae. Sa pagkakatanda ko, eto ata yung date nya nung napaaway si Kien sa bar nung sinama ko sya.
“L-lyza.” Namumutla at Kabadong tawag nya rin.
Napatingin ako kay Kien na mukhang asar na asar na naman.
Paanong hindi kakabahan si Cole eh ang laki ng tyan nitong Lyza. Buntis at mukhang kabuwanan na.
“A-anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cole. Tensyonadong tensyonado sya. Pero kahit ako kabado din para sa kanya. Gago! Nakabuntis kaya sya? Sya kaya ama?
“hinanap talaga kita eh.” sabi ni Lyza ng nakangiti.
“B-Bakit?” tanong ni Cole ulit. Mukha na syang natatae sa itsura nya ngayon. Sinong hindi kung nasa tabi mo yung babaeng mahal at nililigawan mo tapos samahan pa ng masamang tingin ng mga kaibigan ni Jane? Kawawang Cole.
“ibibigay ko lang to.” Tapos inabot na yung puting maliit na envelop.
Kabado ang loko na tinanggap yun. “ano to?”
“baka ultrasound result!” sigaw ni Kien. Nako po! Hindi na nakapagpigil si Kie. Baka magsimula na naman to.
“Oo, ultrasound nga yan. Copy yan nung nasa akin.” – Lyza.
“Eh gag~~” hindi na natuloy ni Jellie yung pagwawala nya. Naagapan ni Jan. Kaso ako... nahuli.
“P*utang *na mo Cole! Ang kapal ng apog mong ligawan ang kaibigan ko tapos may nabuntis ka naman pala?! G*go ka, umalis ka harapan ko kung ayaw mong pasabugin ko yang mga itlog mo! Tangnamo!” sigaw ni Kien.
Natigilan kami ng biglang magsalita si Lyza. “Ah excuse lang ah.”
“edi dumaan ka.” Pabalang na sagot ni Kien. Tsk! Nakakahiya ka babylove!
YOU ARE READING
ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)
Teen FictionTHIS IS A WORK OF FICTION. kung may Makita or mabasa man kayong sa tingin niyo katulad ng sa iba. sarili ko po itong gawa at kathang isip. salamat ng marami sa lahat ng magbabasa, bumabasa at nagbabasa! ^__^
CHAPTER 58: I MISSED YOU LIKE CRAZY
Start from the beginning