Epilogue

10.2K 222 62
                                    

Epilogue

After 3 years, niyayaya na ako ni Alex sa date at kung naaalala ko pa pang-45 dates na namin ito. Natatawa ako dahil malaki na talaga ang pinagbago ni Alex, nawala na ang pagiging bad boy nito at lumalamang ang kabaitan nito ngayon especially sa akin.

Nag-aayos ako ngayon ng sarili ko ng may kumatok sa kwarto ko.

"Hindi nakalock ang pinto, pasok," sabi ko habang hindi nililingon ang pinto. Kita ko naman sa reflection ng salamin at pumasok nga si X na nakapoker face.

"Akala ko sasabihin mo na naman na bukas ang pinto," sabi nito at nilapitan ako. Pinaharap niya ako sa kanya at napangiwi siya.

"Hindi ko talaga maisip na ang ganda mo kasi ang pangit mo talaga, Black," sabi niya kaya halos magkandarapa ito sa pagtakbo ng habulin ko ito ng sandals ko.

Napairap naman ako at tinawag si Violet para ayusan ako ng buhok.

"May date na naman ba kayo ni Alexander, Ate Black?" tanong ni Violet at tumango naman ako.

"Hindi kaba natatakot na lalong delikado ang buhay mo kapag naging kayo. Lahat ng kaaway ni Alex ay magiging kaaway mo rin at ang mga kaaway mo ang magiging kaaway ni Alex," sabi nito at naisip ko na 'yan.

"I don't care, Vio. I like him and I will fight our friendship 'till the end," sabi ko na pinagtaka niya.

"Friendship? Nagde-date pero friends lang kayo? 'Yung totoo?"

"Nagdedate kami para lalo akong mapalapit ang damdamin ko sa kanya. Halata naman ang pagbabago niya pagdating sa akin at napaparamdam niya sa akin na gusto niya ako."

"You're giving him a chance na maging kayo?"

"Exactly! Well hindi ko masabi pero nagugustuhan ko na rin siya paunti-unti," sabi ko at ngumiti naman siya

"Well, wala na akong magagawa diyan. Pero tandaan mo kahit anong problema at pagsubok ang mangyari lumaban kayong dalawa," sabi nito at matapos itong mag tali ng fishtail sa akin ay nagpasalamat ako at tumango naman ito bago umalis.

Nagpahatid ako kay Killer papuntang Coffee Dream at sakto namang maydate rin sila ni Kairyn at balita ko rin na sang-ayon na sa kanilang dalawa ang magulang nila.

"Salamat," sabi ko at bumaba na. Nakaramdam ako ng pagvibrate ng phone ko at tumatawag si Alex sa akin kaya agad ko itong sinagot.

"Hey, where are you now?" bungad nito.

"I'm here at the Coffee Dream. Ikaw?" tanong ko at rinig ko ang mahina nitong pagmura.

"Sorry kung late ako. Aish. I miss you so damn much, Babe," sabi nito at feeling ko namula ang pisngi ko sa pagtawag niya sa akin ng 'Babe'.

"I miss you too kahit isang araw lang tayong hindi nagkita," sabi ko at pareha kaming natawa. "Wala kang balak na pumunta dito? Aalis nalang ako sige." Pananakot ko pero mukhang hindi siya natablan.

Aba't! Pinatayan ako ng kupal.

"Sorry for being late, Babe. Nag-order pa ako ng makakain natin before tayo pumunta sa final distination natin para sa date natin."

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon